Connect with us

Viral

Isang teenager sa Cavite, kumikita na ngayon ng P5,000 sa loob ng isang araw sa pagtitinda niya ng kangkong chips kung saan namuhunan lamang siya ng P3,000!

Published

on

Mayroong isang teenager ngayon sa Cavite ang hinahangaan ng publiko dahil sa naisip niyang munting negosyo. Pumanaw kasi ang kaniyang lolo nito lamang Hunyo 2021 kung kaya naman nais niyang tulungan ang kaniyang mga magulang.

Sinong mag-aakala na noon ay P3,000 lamang ang inilabas niyang kapital na ngayon ay kumikita na rin ng P5,000 sa loob lamang ng isang araw. Siya ay walang iba kundi ang 17 taong gulang na si Josh Mojica.

Siya ay isang senior highschool student sa Saint Augustine School-Mendez. Sinong mag-aakala na dati ay siya lamang ang gumagawa ng lahat ng kaniyang orders at nang marami nang nag-repeat orders sa kaniya ay humingi na siya ng tulong sa kaniyang pinsan.

Naging magkatuwang na ang dalawa ngunit mas lalo pang dumami ang kaniyang mga parokyano. Dahilan upang mabigyan pa niya ng oportunidad na kumita rin ang 10 sa kaniyang malalapit na mga kaibigan.


Naging malaking sorpresa din sa kaniya ang pag-promote ng isang senador sa kaniya at presidential aspirant na si Ping Lacson sa social media. Sa ngayon ay nakakarating na ng Cavite, US, at Canada ang kaniyang Kangkong chips!

Marami na din siyang mga resellers sa Pasay at Cavite. Dahil siya ay menor de edad pa, tinutulungan siya ng kaniyang mga magulang at kamag-anak na hawakan ang kaniyang mga finances. Naibahagi din niya na hindi naman naging madali ang kanilang pinagdaanan bago makamit ang tagumpay na ito.

Ilang beses din silang sumubok na mas mapasarap pa ang kanilang recipe hanggang sa makuha nila ang perpektong lasa para rito. Sa ngayon, plano niyang magkaroon ng mga pop-up stores sa malls at makapagbigay pa ng oportunidad para sa mga kagaya niyang teenagers na nagnanais ding matulungan ang kanilang mga magulang.

Alay niya ang tagumpay niyang ito sa kaniyang pumanaw na lolo. Talaga namang isa siyang napakagandang inspirasyon para sa ating lahat!


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media