Connect with us

Viral

Pinagbabayad ng magulang ng babaeng ito ang kaniyang nobyo ng $47,000 upang siya ay mapakasalan. Hindi ito kayang ibigay ng nobyo kung kaya naman nakipaghiwalay na lamang ito sa kaniyang nobya!

Published

on

Ang pagpapakasal o pag-iisang dibdib ay isang mabigat na desisyon. “Life changing” kung ilarawan ng nakararami at talaga namang kailangang pagtuunan ng oras, panahon, at salapi.

Kailangan ay handa ka rin sa maraming pagbabago na maaaring mangyari sa iyo kumpara noong ikaw ay single pa lamang. Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng publiko ang kwento na ito ng isang magkasintahan na nais na sanang magpakasal at lumagay sa tahimik ngunit hindi natuloy dahil sa humihingi ng halagang $47,000 ang pamilya ng babae.

Isang video ng magkasintahan ang napanuod ng publiko mula sa Shenzhen, Guangdong, China. Halatang namamaalam sa isa’t-isa ang dalawa ngunit tila ayaw pumayag ng nobya sa nais ng kaniyang kasintahan.

Hindi kasi kaya ng nobyo na ibigay ang nais ng kaniyang pamilya na dowry para sa kanilang kasal kung kaya naman nagdesisyon siyang tapusin na lamang ang relasyon nila ng kaniyang nobya. Maririnig pa ang nobya sa video na sumisigaw at sinasabing “Don’t leave me!” at “Please don’t leave, can your family think of a way out of this?”

Malaking halaga rin kasi para sa pamilya ng lalaki ang dowry na $46,850.00 (halos 300,000 Chinese yuan). Dahil nga sa pandemya ay naapektuhan ang trabaho ng nobyo at maging ng babae sa ibang bansa kung kaya naman nagdesisyon silang umuwi na lamang sa kanilang mga pamilya.


Dalawang taon na rin ang kanilang relasyon ngunit dahil na rin sa pandemya ay hindi sila nakapagpundar ng bahay, sasakyan, at wala rin silang ipon. Napakasakit din ng desisyon na ito ng nobyo para sa kaniyang ngunit ayaw na niyang maging pasakit pa sa kaniyang magulang at pamilya.

Kung kaya naman mas nanaisin na niyang masaktan kaysa pahirapan pa ng husto ang kanilang pamilya sa dowry na hinihingi ng pamilya ng kaniyang nobya. Talaga namang napakasakit na reyalidad nito para sa magkasintahan ngunit sa ngayon ay wala silang magagawa kundi palayain na muna ang isa’t-isa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media