Connect with us

Viral

Vlogger na si Toni Fowler, ipinasyal ang kaniyang mga fans sa bago niyang bahay at binigyan din ng sorpresang Php100,000 ang kaniyang mga kasambahay!

Published

on

Ang pagkakaroon ng isang maganda at maayos na bahay na yata ang isa sa pinapangarap ng marami sa atin. Hindi lamang ito personal na tagumpay para sa atin ngunit tiyak na marami din ang sa atin ang nagsisikap na makamit ito para sa ating mga mahal sa buhay.

Sa panahon natin ngayon, mukhang imposible na para sa karamihan sa atin ang matupad ang pangarap nating ito. Lalo na at taon-taon ang pagmahal ng lupain at iba pang mga real estate properties.

Maging ang mga materyales sa paggawa ng bahay ay talagang hindi rin biro. Ngunit sa kabila ng maraming pagsubok na ito, mayroon pa rin namang iilan na talagang nagagawang maisakatuparan ang kanilang pangarap.

Tulad na lamang halimbawa ng vlogger na si Toni Fowler na ibinahagi sa kaniyang vlog ang bagong bahay nila na tinawag nilang Toro de Palacio. Talagang pinursige daw niyang matapos ito upang magkaroon na sila ng isang malawak at maayos na tahanan ng kaniyang buong pamilya.


Noon daw kasi sa kanilang condo ay talagang marami ang nagrereklamo na maingay raw sila lalo na kung mayroong kaganapan sa kanilang bahay dahil nga dikit dikit rin talaga ang mga units doon. Ngunit sa napakaganda at napakalawak nilang tahanan ngayon ay tiyak na wala nang magrereklamo.

Ipinasyal niya rin dito ang ilan sa kaniyang mga tagahanga. Maging ang kaniyang mga kasambahay na sina Ate Anne at Mama Rose na mag-ina mula sa Bicol ay nakatanggap din ng biyaya mula sa kaniya.

Niregaluhan niya kasi ang mga ito ng halagang Php100,000! Batid daw ng vlogger na malayo sila sa kanilang pamilya ngunit araw-araw pa rin silang nagsisipag at nagsusumikap sa kanilang trabaho.

Labis naman ang kaligayahan nila dahil magagamit daw nila ito para sa pagpapagawa ng kanilang bahay. Tunay nga na napakasarap makatanggap ng mga ganitong biyaya ngunit wala pa ring papantay sa pakiramdam na nagiging blessing ka din sa mga taong nakapaligid sa iyo tulad na lamang ni Toni.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media