Connect with us

Viral

Siya pala ang anak ni Ara Mina na talaga namang nagmana sa kaniya ng angkin niyang kagandahan!

Published

on

Ang pagkakaroon ng anak ay talaga namang biyaya mula sa Diyos. Maraming mga mag-asawa ang nangangarap at nagdarasal na magkaroon ng sarili nilang mga anak ngunit hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na mabiyayaan ng anak.

Kung kaya naman ginagawa ng mga magulang ang lahat para sa kanilang mga anak. Lahat ng sakripisyo at paghihirap para lamang maibigay ang lahat ng pangagailangan nila.

Isa na sa mga magulang na ito ang aktres na si Ara Mina. Talagang ginagawa niya ang lahat para sa kaniyang unica hija na si Amanda Gabrielle.

Si Amanda ay anak ng aktres sa dati niyang karelasyon na si Patrick Meneses, bagamat hindi naging magtagumpay ang kanilang pagsasama noon ay nananatili pa rin silang magkaagapay sa pagpapalaki sa kanilang anak. Sa ngayon ay kasal na rin naman si Ara kay Dave Almarinez na tumutayo ring ama kay Amanda.


Madalas na makikita ang kanilang mga larawan online kung saan kapansin-pansin ang closeness ng dalawa. Hindi man si Dave ang tunay na ama ni Amanda, hindi naman ito naging hadlang upang ituring niyang parang tunay na anak ang bata.

Nang ikinasal nga sila ng aktres ay magkapareho pa ng gown ang mag-ina. Tila ba OOTD nila ito sa espesyal na araw kung kailan magiging opisyal nang mag-asawa si Ara at Dave.

Tunay nga na walang makakapantay ngayon sa kaligayahan ni Ara dahil sa wakas ay natagpuan na niya ang taong magmamahal sa kaniya at kay Amanda ng buong puso. Marami nang pinagdaanang pagsubok si Ara ngunit ang lahat ng mga naging karanasan niya ay napalitan na ng napakagandang pagpapala.


Tunay nga na ang taong para sa iyo ay darating sa iyo sa tamang panahon na ipahihintulot ng Diyos. At ito ang magiging tugon sa lahat ng iyong mga panalangin.

Basta manalig ka lamang, magtiwala, at huwag magsasawang gumawa ng mabuti dahil ang lahat ay babalik din sa iyo.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media