Connect with us

Viral

Video ng isang food delivery rider na mayroong kargang isang motorsiklo, usap-usapan ngayon ng publiko!

Published

on

Buhat nang naging laganap ang pandemya sa buong mundio ay talaga namang unti-unting nakilala ang ilang mga industriya na noon ay hindi naman gaanong kilala. Tulad na lamang ng mga online shopping sites at delivery services.

Dahil pangunahing pangangailangan ng mga tao ang pagkain, maraming mga indibidwal ngayon ang mas pinipili na lamang na umorder at magpadeliver ng pagkain kaysa lumabas pa ng kanilang mga tahanan. Nang dahil dito ay mas maraming mga tao ang nagkaroon ng pagkakataon na kumita at magkaroon ng trabaho.

Ang pagiging isang food delivery rider. Hindi man madali at talagang risky din ang trabahong ito, wala rin naman silang magagawa kundi suungin ang panganib para sa kanilang mga pamilya. Ngunit kamakailan lamang ay isang kakaibang video ang talagang pinag-usapan ng maraming netizens online.

Sa naturang video ay makikitang may dala-dalang motorsiklo ang delivery rider! Hindi ito laruan na motorsiklo dahil ito ay totoong motorsiklo talaga!

Marami ang namangha dahil ngayon lamang sila nakakita ng delivery rider na mayroong karga na ganito kalaki at ganito kabigat. Kung marami ang namangha, mas marami din naman ang nag-alala para sa kaligtasan ng naturang rider at ng mga motoristang makakasalubong nito sa daan.

Bagamat hindi pa malinaw kung ano ang dahilan ng pangyayaring ito, maraming mga netizens ang nagkomento na mas mahalagang unahin ang kaligtasan ng mas nakararami sa mga ganitong uri ng sitwasyon kaysa sa ano pa mang bagay. Narito ang ilan sa mga naging pahayag ng ilang mga netizens:


“Food is not the only thing Food panda riders can deliver… Even motorcycles too. Full respect to the brother.” Pahayag ng netizen na nag-upload ng video.

“We can order motorcycles through Food panda now,”pabiro namang komento ng isa pang netizen.

“This is some dangerous work, one wrong step and there will be consequences,” komento pa ng isang netizen.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media