Connect with us

Viral

Isang matapat na laundry shop, hinahangaan at pinuri ng publiko matapos isauli ang mga naiwang pera at alahas ng kanilang mga kostumer sa kanilang mga labada!

Published

on

Bawat isa sa atin ay mayroon nang naranasan na pagsubok sa buhay. Kaniya-kaniya lamang tayo ng pamamaraan kung paano natin ito napagtagumpayan.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan ng husto ng publiko ang isang laundry shop na ito sa Agusan Del Sur na nagbalik ng mga nakuha nilang pera at alahas sa mga pinalabhang damit ng kanilang mga kostumer. Sa mga larawan na ibinahagi ng Wash ME Laundromat San Francisco, makikita ang ilan sa mga larawan ng mga pinalabhan ng kanilang mga kostumer.

Makikita dito ang ilang mga alahas at pera na naiwanan sa mga damit ng kanilang mga kostumer na agad din naman nilang ibinalik. Isinama nila ang mga ito sa plastik na pinaglagyan nila ng malilinis na mga damit.

“We value integrity more than anything else.” caption nila sa kanilang post. Mayroon nang mahigit sa 13k na mga reaction at 8.3k na shares ang naturang post.
Talaga namang maraming mga netizens ang nakapansin sa post nilang ito. Sa panahon natin ngayon ay talagang kaunti na lamang taong matapat at may integridad kung kaya naman talagang inulan ng komento ang naturang laundry shop.

Itinuturing din silang bayani, “liwanag sa dilim”, at inspirasyon ng maraming mga Pilipino. Patunay lamang sila na kahit gaano kahirap at kalala ang mga paghihirap o pagsubok na ating pinagdaraanan ngayon ay mayroon pang mas mahalagang bagay na dapat nating pagtuunan ng pansin.


Ang pagiging isang mabuting tao at ang paggawa ng mabuti sa ating kapwa. Sana ay mas marami pang mga tao ang kanilang maimpluwensiyahan na gumawa ng kabutihan sa kanilang kapwa at pa nga walang nakatingin sa kanila.

Gayundin naman ay nagpasalamat din ang naturang laundry shop sa mga taong pumuri sa kanila. At sa napakaraming magagandang komento na kanilang natanggap.

Hindi daw nila akalain na maraming taong magkakainteres sa kanilang ginawa dahil ginagawa lamang daw nila ang kanilang mga trabaho.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media