Connect with us

Viral

Isang matagumpay na negosyante, ibinahagi ang kaniyang report cards noong siya ay Grade 6 pa lamang, sinabing hindi basehan ang diploma at grado upang magtagumpay sa buhay!

Published

on

Bata pa lamang tayo, marami nang nagsasabi sa atin na dapat ay pagbutihin at galingan natin ang pag-aaral upang may marating tayo sa buhay. Kailangan daw nating makakuha ng matataas na grades at talagang seryosohin ang bawat asignaturang inaaral natin sa eskwelahan.

Ngunit hindi lahat ng bata ay interesado at seryoso sa pag-aaral. Hindi naman lahat tayo ay masayang mag-aral ng mga leksyon o di kaya naman ay magsagot sa mga libro.

Karamihan talaga sa mga kabataan ngayon ay mas gustong maglaro o di kaya naman ay makasama ang kanilang mga kaibigan. Lingid sa paniniwala ng maraming mga Pilipino na ang pagkakaroon ng mataas na grado at diploma ang magiging daan sa ating tagumpay, nais patunayan ng isang businessman sa Batangas City na si Ian Gonzales na hindi basehan ang grades at diploma upang maging matagumpay ka sa buhay.

Sa katunayan ay nagbahagi ng larawan ng kaniyang Grade 6 report card si Gonzales kung saan kapansin-pansin na halos puro pasang-awa ang kaniyang marka. 83 na ang pinakamataas niyang nakuhang grado sa “Edukasyon sa Pagpapakatao” o ESP.


Kahit pa nga ganito ang kaniyang mga naging marka noon habang siya ay nag-aaral ay nagawa pa rin niyang makapagpundar ng kaniyang mga negosyo.

“Hindi grades o diploma ang batayan sa panahon ngayon. Kilos mo, galaw mo at diskarte mo yan ang labanan sa panahon ngayon. Sipag at tiyag lang samahan muna din ng dasal, lahat tayo aasenso,” Pahayag ni Ian.

Sa ngayon ay pagmamay-ari at pinapatakbo niya ang “Chubby Thai Parts” at “Classical Works Batangas”. Sa ngayon ay maraming mga netizens ang nakapansin ng kaniyang post. Umani ito ng maraming mga komento at papuri rin mula sa publiko.

May ilang mga nakakatuwang komento din kung saan may ilang nagsasabi na huwag naman sana niyang mahikayat ang ibang kabataan na magpabaya sa kanilang pag-aaral.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media