Connect with us

Viral

Isang batang lalaki, nag-ipon ng pera para lamang mailibre ang kaniyang lolo ng Samgyupsal!

Published

on

Marami sa ating mga Pilipino ang talagang malapit sa ating mga lolo at lola. Maliban sa ating mga magulang at kapatid, sila ang madalas nating makasama lalo na kung kailangang magtrabaho ng ating mga magulang.

Sa paglipas ng panahon ay marami pa ring mga Pilipino ang talagang nagpapakita ng kanilang pambihirang pagmamahal at pagrespeto sa kanilang mga lolo at lola. Tulad na lamang ng isang apo na ito na sa murang edad ay pinangarap nang mailibre ang kaniyang lolo sa Samgyupsal.

Ang Samgyupsal ay isang Korean dish na sumikat sa maraming mga bansa sa buong mundo kasabay ng pagsikat ng mga Koreanovelas o South Korean TV series. Ibinahagi ng netizen na si Jessica Absalon ng JK Samgyupsal Unli Korean BBQ ang nakakamanghang kwento ng batang si Joshua at ng kaniyang lolo.

Minsan daw na nagtungo sa kanilang kainan ang lolo ni Joshua upang magtanong kung ano at magkano ang pagkain dito. Nang makapagtanong ang matanda ay agad na itong lumabas at sinabi sa kaniyang apo na mag-ipon daw muna sila.

Ilang oras pa ang lumipas at napansin nila na dumaan muli sa naturang establisyemento ang maglolo. Ang kanilang trabaho ay pangangalakal o pamamasura.

Makalipas pa ang ilang oras ay pumasok silang mula sa kainan at doon nga ay nagbayad sila ng P199 para sa kanilang Samgyupsal. Ayon naman kay Absalon ay libre na nila sa maglolo ang pagkaing ito na talaga namang ikinagulat ng dalawa.

Hindi naubos ng maglolo ang kanilang pagkain kung kaya naman ibinalot na rin ito nina Absalon. Maraming mga netizens ang naantig sa kwentong ito ng maglolo at nais din nila sanang makatulong sa kanila kahit papaano.

Sana ay maging inspirasyon din ito sa mas maraming mga kabataan na iparamdam sa kanilang mga magulang, lolo at lola kung gaano nila sila kamahal. Tulad na lamang ng ginawa ni Joshua sa kanilang lolo. Tila ba isang cute na date ng lolo at ng kaniyang apo.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media