Connect with us

Viral

Isang lalaking hindi nakapagtapos ng pag-aaral, naging isang milyonaryo sa pagpapastol ng baka!

Published

on

Tumatak na sa maraming mga Pilipino na kapag ikaw ay nakapagtapos ng kolehiyo, tiyak nang magiging maganda ang iyong kinabukasan. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay hindi lamang pala ito ang maaari nating gawin upang maging matagumpay sa buhay.

Kahit kasi hindi nakapagtapos ang lalaking ito mula sa Malaysia ay nagawa pa rin niyang maging matagumpay sa buhay. Siya ay walang iba kundi si Saipol Azmir Zainuddin.

Noon ay namamasukan lamang siya bilang isang construction worker upang matulungan ang kaniyang pamilya na lugmok din sa kahirapan. Ngunit kahit pa nga hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral ay buo ang kaniyang loob na maging isang farmer.

Noon pa man ay talagang pangarap na niyang maging isang farmer. Kung kaya naman sa una niyang sweldo ay naisipan niyang ipunin ang kaniyang pera at bumili ng batang baka o calf.

Sa edad na 18-anyos ay nmayroon na siyang halos 300 na mga baka! Nagsimula na ring magtayo ng farm ang kaniyang ama. Makalipas lamang ang 1 taon ay naging stable na ang kanilang buhay dahil nakapagpundar siya kaagad ng bahay at sasakyan.

Ngunit sa kabila nito ay hindi pa rin siya tumigil dahil naisipan niyang mas palaguin pa ang kanilang farm. Nangutang siya nang RM 100,000 sa isang farmer organization sa kanilang bayan at dahil dito ay mas napalawak pa niya ang kaniyang negosyo.

Hindi lamang siya nakapokus sa pagpapayaman dahil sinisigurado din niyang malulusog at magaganda ang kaniyang mga alagang baka. Hindi nagtagal at kumita na rin siya ng halos Php13,000,000 sa pagfafarm lamang!

Nais din niyang tumulong sa mga taong nais matuto magnegosyo kung kaya naman talagang bukas-palad din siya sa pagtulong at pagsuporta sa mga ito. Tunay nga na marami ang hindi makapaniwala dahil sa hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral ngunit kung gusto mo pala talaga ang iyong ginagawa ay walang magiging imposible at magiging hadlang sa iyo.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media