Connect with us

Viral

Batang paslit na nakalaglag ng kaniyang tsinelas sa isang maliit na bangin, agad na tinulungan ng isang mabait na pato!

Published

on

Marami mang krisis at mga pagsubok na dumarating sa ating buhay, marami pa rin tayong dahilan upang bumangon at magpatuloy pa sa buhay. Kilala tayong mga Pilipino sa pagiging matatag at positibo sa buhay kung kaya naman hindi na nakapagtataka na madalas tayong makakita ng mga positibong bagay sa ating paligid.

Halimbawa na lamang ang nakakaaliw na video ng isang batang lalaki na hindi sinasadyang nalaglag ang isang tsinelas sa isang maliit na bangin. Nakuhanan ng video ni Myla Aguila ang pangyayaring ito habang siya ay patungo sa kaniyang tirahan sa Sitio Madaguldol nang araw ding iyon.

Dahil sa talagang nakakaaliw ang kaniyang nasaksihan ay kaagad niya itong vinideo. Ibinahagi rin niya ito sa kaniyang Facebook account kung kaya naman marami ding mga netizens ang natuwa rito.


Habang pinapanuod niya ang bata ay nakita niya rin ang pato na tila isang tao at pilit na tinutuka ang tsinelas. Pinipilit pala nitong kuhanin ang tsinelas ng bata.

Nang magtagumpay siya sa pagkuha nito ay kaagad niyang inabot sa batang tahimik na naghihintay. Talaga namang labis na natuwa si Myla dahil hindi niya lubos akalain na ang gagawin ito ng isang hayop.

Nagpakita ng kabutihan at pagkakawang-gawa ang pato na madalas nating makita sa mga tao lamang. Minsan nga ay nakakalungkot pang isipin dahil mayroong iilan sa atin na hindi na kayang gawin ito sa ngayon sa kanilang kapwa tao.

Kung marami ang makakapanuod nito, tiyak na mas maraming tao pa ang maeengganyo na tumulong at gumawa ng mabuti para sa kanilang kapwa. Tila ba nagpapaalala ang video na ito na kung ang isang munting pato ay kayang gumawa ng kabutihan sa isang tao, tiyak na magagawa din natin itong gawin araw-araw.

Hindi lamang dahil Pasko o mayroong espesyal na okasyon kundi magiging natural na gawi na lamang ito para sa ating lahat.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media