Connect with us

Viral

Isang 22 taong gulang na babae, pinagkaguluhan ng mga netizens dahil sa murang edad ay isa na siyang ganap na judge!

Published

on

Tipikal na tayong nakakakita ng mga hurado o judge sa tunay na buhay o maging sa mga palabas sa telebisyon at pelikula. Ngunit talaga namang marami ang nagtaka nang makita ng marami ang isang napakaganda at batang hurado na nagngangalang Leanna Leonardo.

Siya ay 22 taong gulang pa lamang ngunit talaga namang nakakagulat na sa kaniyang edad ay nakasuot na siya ng “robe” ng isang hurado. Marami sa atin ang nasanay na makakita ng mga matatanda o may edad nang hurado ngunit kakaiba talaga ang huradong ito.

Nagsimula ang lahat nang maraming mga netizens ang makakita ng kaniyang mga larawan sa Twitter. Ayon sa ilang mga nauna nang balita, ang mga larawan pala niyang iyon ay kuha matapos ang kanilang “moot” o “mock judicial proceeding”.

Siya ay isa palang law student sa Gadjah Mada University sa Yogyakarta, Indonesia. Sa kaniyang Instagram account ay mayroon siyang higit sa 222,000 na mga followers kung saan siya madalas magbahagi ng kaniyang araw-araw na buhay, pamilya, at pagkain.

Higit pala sa pagiging abala sa pag-aaral ng Law ay isa rin siyang modelo. Sa katunayan ay mayroon din siyang ilang mga organisasyon na sinusuportahan tulad na lamang ng Waste4Change na isang programa na naglalayong mapalaganap ang pagre-recycle.

Minsan ay mapapanuod din siya habang ipinapasilip sa kaniyang mga tagahanga ang ginagawa niyang skincare routine at ilang mga unboxing videos. Isa rin siyang pet lover dahil mayroon siyang isang aso na dachshund na nagngangalang Peanut.

Isa rin sa kaniyang mga hilig ay ang paglalangoy at pagpunta sa mga beach kung saan talaga siya narerelaks. Tunay nga na marami na tayong natutuklasan ngayon dahil sa social media at sa internet.

Nasa sa atin na lamang kung tayo ay magiging responsable sa mga bagay na ating nakikita o nababasa online. Wala namang masama kung hahangaan natin ang mga ganitong klase ng mga tao basta’t alam din natin ang ating hangganan bilang isang tagahanga.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media