Connect with us

Viral

True to life prenup shoot theme ng isang mag-asawa, kinagiliwan ng publiko!

Published

on

Ang pagpapakasal ay isa sa pinakamalaking desisyon na ating magagawa sa ating buhay. Talaga namang life-changing ito at wala nang atrasan pa. Kung para sa iilan ay marahil matinding pagsubok at marami ang maninibago sa buhay mag-asawa, para naman sa iilan ay napakagandang biyaya nito lalo na kung ang taong pakakasalan mo ay ang taong pinakamamahal mo at matagal mo na ring kasama.

Kamakailan lamang ay kinagiliwan ng publiko ang true to life prenup shoot theme ng isang mag-asawa sa Lapu-lapu Cebu. Sa loob kasi ng 16 na taong pagsasama nila bilang mag-asawa ay ngayon pa lamang sila ikakasal.

Nagdesisyon din silang magkaroon ng prenup photoshoot kung saan talagang reyalidad at tunay na mga pangyayari sa kanilang buhay mag-asawa ang masisilayan. Masayang masaya din naman sina Chayne at Warren Cortes sa kinalabasan ng kanilang photoshoot kasama pa ang dalawa nilang mga anak na babae.

“Mas gusto namin na true to life ang prenup namin. Lahat ng eskena na lumabas at ilalabas pa ay totoo. Pra easy shoot na rin. Na add nalang yung make up and cameras,” Pagbabahagi ni Chayne sa naging panayam sa kaniya ng KAMI.


Talaga namang sa gitna ng modernong teknolohiya at modernong panahon natin ngayon ay marami pa rin ang nagnanais na magkaroon ng simple at makatotohanang kasalan. Napakagandang alaala din nito para sa buong pamilya dahil talagang mayroong partisipasyon ang lahat.

Makikita sa real-life prenup shoot ng mag-asawa ang ginagawa nilang pagluluto, paghuhugas ng pinggan, paglilinis ng bahay, paglalaba, kaunting away, masayang pagsasalo-salo sa hapag-kainan, pagkukulitan, at ang larawan nilang pamilya kasama ang kanilang mga alagang aso. Napakasarap sa pakiramdam na magkaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya.

Hindi man lahat ay nabibiyaan nito. Marami pa rin sa atin ang nagpapasalamat ng husto dahil sa nabiyayaan tayo ng isang buo at masayang pamilya tulad ng pamilya Cortes. Congratulations at best wishes!



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.