Connect with us

Viral

Dra. Vicky Belo, naging emosyonal nang makitang umiiyak ang isang Grab delivery rider na kaniyang tinulungan!

Published

on

Si Maria Victoria Gonzalez Belo-Kho o mas nakilala natin bilang si Dra. Vicki Belo ay 65 taong gulang na dermatologist at TV personality. Siya rin ang founder, CEO, at medical director ng Belo Medical Group.

Marami ang humahanga sa kaniya dahil talagang maraming mga sikat at bigating personalidad ang nagtitiwala sa kaniyang kakayanan. Likas ding mabait at hindi makabasag-pinggan ang doktora kung kaya naman marami ang gumagalang at rumerespeto sa kaniya.

Kamakailan lamang ay muli na naman siyang hinangaan ng publiko matapos niyang magbigay ng tulong sa mga Grab delivery drivers. Naghanda siya ng sorpresa para sa mga masisipag na taong ito.

Ibinigay niya sa mga ito ang mga inorder niyang pagkain at nag-abot din siya ng P8,000 halaga ng pera para sa kanila. Maraming mga netizens din ang nakapansin sa kabutihang-loob na ito ng doktora kung kaya naman umani ng maraming positibong komento ang kaniyang vlog.

Noon pa man daw ay talagang may malambot na puso na si Dra. Vicki sa mga taong nagsusumikap at nagtatrabaho para sa kanilang pamilya. Narito ang ilan sa mga naging komento ng mga netizens:

“So grateful to watch your vlog Dra. Vicky. So touching kasi even in your busy time eh naisipan nyo po na mag share ng blessing to the people who work hard to their family. So touching and happy to watch your vlog.” Komento ng isang netizen.

“You are so kind and humble Dra Belo. Praying you will be blessed with happiness and good health.” Pahayag naman ng isa pa.

“Twice kong pinanood ang video… naiyak padin ako… napaka bait talaga ni Dra.Vicky Belo..” Wika pa ng isang fan ng celebrity doctor.

Tunay nga na kahit nasa kaniya na ang lahat, tagumpay, masayang pamilya at buhay pag-ibig ay hindi pa rin siya tumitigil na maging daluyan ng biyaya para sa mga taong mas nangangailangan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.