Connect with us

Viral

Medical nars, tinulungan ang 97 taong gulang na bride na isuot ang kaniyang wedding dress para sa pagdiriwang ng kaniyang 77th anniversary!

Published

on

Marami ang kinilig at talagang natuwa sa balitang ito kung saan ang isang 97 taong gulang na bride mula sa Iowa, USA ay nakapagmartsa sa altar suot ang kaniyang wedding dress sa kauna-unahang pagkakataon. Nang malaman ng mga medical staff ng isang hospice care facility sa Iowa, USA na magdiriwang ng ika-77 taong anibersaryo ang isa nilang pasyente at asawa nito ay agad nilang plinano ang sorpresang ihahanda nila para sa mga ito.

Napag-alaman kasi nila ang kwento ng mag-asawa na hindi nagkaroon ng maayos na kasalan noon kung kaya naman talagang sinikap nilang maging espesyal ang araw na ito para sa kanila. Tinulungan nilang magbihis ang bride ng kaniyang wedding dress.

Noong 1944 nang sila ay ikinasal ay hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makapagsuot ng damit pangkasal dahil sa halos dalawang araw lang ang naging preparasyon nilang mag-asawa. Nagsuot lamang si Frances “Frankie” King noon ng isang long white dress habang si Royce King na dating US Air Force pilot ay nakasuot ng kaniyang uniporme.

“I helped my mother put on the wedding dress, and my father’s health assistant helped him put on his military uniform,” pahayag ng 68 taong gulang na si Susan “Sue” K. Bilodeau, anak ng mag-asawa.


“Because of my parents’ funny personality and their love and loyalty for each other, the staff of St. Croix Family Hospice is deeply influenced by them. They are ingenious and organized this very special ceremony for my parents.” Dagdag pa ni Sue.

Nang malaman daw ng mag-asawa na may inihandang sorpresa para sa kanila ang mga medical staff ay talagang excited at masayang masaya sila. Makalipas ang 77 taon ay magkakaroon din ng pagkakataon na magkaroon ng maraming kuhang larawan ang mag-asawa at makakapagmartsa na rin sa altar ang bride.

Laking pasasalamat nila sa mga hospital staff na talagang naglaan ng oras at panahon para sa espesyal na araw nilang ito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.