Connect with us

Viral

Isang cute na bata ang humingi ng permiso at nagpaalam sa isang airport staff na yakapin sa kaniyang tita sa huling pagkakataon!

Published

on

Hindi madali ang magpalaki at mag-alaga ng anak lalo na sa ating bansa. Kung maraming bansa sa iba’t-ibang panig ng mundo ang talagang naglalaan at nagbibigay ng benepisyo sa mga magulang at mga anak, hindi ito gaanong nabibigyang-pansin sa Pilipinas.

Sa kabila nito ay talagang nagtutulungan din naman ang bawat pamilya upang maging masaya at komportable ang buhay ng bata at ng mga magulang. Marami sa ating mga kabataan noon at ngayon ang laki sa mga lolo at lola at talaga namang hindi natin maipagkakaila na sila ang madalas na nag-i-spoil sa kanilang mga apo.

Binibigay nila ang lahat ng gustong laruan, pagkain, at hiling kahit pa nga minsan ay hindi aprubado ng mga magulang ng bata. Ito ay hindi upang magkagalit sila ngunit upang maiparamdam sa kanilang mga apo na sila ay espesyal at talaga namang mahal ng kanilang mga lolo at lola.


Ngunit maliban pala sa mga lolo at lola natin ay mayroon din tayong mga tito at tita. Sila din ang madalas na nagbibigay ng mga hiling ng kanilang mga pamangkin. Hindi rin natin maipagkakaila na maraming mga kabataan ang laking tita at laking tito hindi ba?

Kamakailan lamang ay talagang umantig sa puso ng maraming mga netizens ang video na ito ng isang batang babae na tila nakikiusap at nanghihingi ng permiso sa isang airport staff kung maaari siya nitong payagan at papasukin upang mahabol ang kaniyang tita sa loob. Agad namang pumayag ang staff at nahabol nga ng bata ang kaniyang pinakamamahal na tita.

Nabigyan pa sila ng pagkakataon na makapagpaalam at mayakap ang isa’t-isa sa huling pagkakataon. Tunay nga na pinuri din ng publiko ang naturang staff dahil sa pinagbigyan niya ang munting kahilingan ng batang babae na tiyak na mananatili sa alaala nito na mayroong isang mabait na staff na nagpahintulot sa kaniyang mayakap ang kaniyang tita bago ito tuluyang umalis.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.