Connect with us

Viral

Isang lalaki ang nagligtas sa sugatang buwaya na ito at nagbalik sa kaniya sa kaniyang tirahan at mula noon ay naging mabuting magkaibigan na ang dalawa!

Published

on

Natural na sa ating mga tao ang maging maingat pagdating sa mga malalaki at mapanganib na hayop. Hindi na rin naman bago sa atin ang pagkakaroon ng mga kaganapan kung saan nakakapatay ng tao ang ilang mga hayop tulad na lamang halimbawa ng cobra o di kaya naman ay buwaya.

Ngunit para sa isang mangingisda sa Costa Rica, naging mabuting kaibigan niya ang buwaya na kaniyang iniligtas matapos itong saktan ng tao at mabulag ang isang mata nito. Sa loob ng 20 taon ay naging mabuti silang magkaibigan.

Ang mangingisdang ito ay walang iba kundi si Chito, taong 1989 nang matagpuan niya ang isang buwayang sugatan sa may ilog. Nabaril pala ito ng isang magsasaka sa pag-aakalang kakainin nito ang kaniyang baka.

Naghihingalo na ang naturang buwaya ngunit tinulungan pa rin siya ni Chito. Dinala niya ito sa kaniyang bahay at doon ay ginamot. Pocho ang ipinangalan niya sa kaniyang kaibigan.
Talagang inalagaan niya ito ng husto at katabi pa niya itong matulog sa gabi.


“In the beginning, I gave it feeds, and he refused to eat. I try to touch and talk to him, hoping he can feel that I care about him and let him know that not all humans will harm him.” Pahayag ni Chito.

Ilang buwan pa ang nakalipas at naging mabuti na ang kalagayan ni Pocho. Ibinalik na siya ni Chito sa kaniyang tirahan ngunit hindi nagtagal ay binalikan niya si Chito.

Tila ba isang aso ang buwaya na sumusunod sa kaniyang amo. Dumating din sa punto na nagdesisyon na si Chito na hiwalayan ang kaniyang asawa dahil hindi nito naiintindihan ang pagkakaibigan nila ni Pocho.

Kalaunan ay nakapag-asawa siyang muli at nagkaroon sila ng isang anak na babae. Mula noon ay naging masaya at magkasama sina Pocho at Chito.

Hanggang sa dumating ang panahon na tuluyan nang lumisan ang kaibigan niyang buwaya dahil na rin sa katandaan. Oktubre 2011 nang namatay si Pocho na marahil ay nasa 50 hanggang 60 taong gulang na.

 

Talaga namang lumuha ng husto si Chito dahil hindi lamang kaibigan ang turing niya kay Pocho kundi bahagi na rin ng kaniyang pamilya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.