Connect with us

Viral

Siyam na magkakapatid na nakatira lamang noon sa isang maliit na kubo, nakapagpundar ng dream house para sa kanilang mga magulang!

Published

on

Marahil ang pagpupundar ng bahay at lupa ang isa sa pinakamagandang “investment” na magagawa natin para sa ating sarili at maging sa sarili nating pamilya. Sa ngayon kasi ay talagang pamahal na rin ng pamahal ang presyo ng lupa kung kaya naman madalas ay imposible talaga para sa mga “average wage earner” ang makabili ng sarili nilang lote.

Ang pagpapagawa ng bahay ay hindi rin biro dahil bukod sa bayad sa mga manggagawa ay mahal na rin ang mga materyales lalo na buhat nang mag-pandemya. Para naman sa mga nagnanais ng hulugan o sa ilang mga real estate company, talagang maraming taon din ang gugugulin bago mapunta sa kanila ang pinapangarap nilang bahay at lupa.

Madalas ay 10, 15, 20 o hanggang 25 taon inaabot ang ganitong klase ng mga “pre-selling”, “ready for occupancy”, o “rent-to-own properties”. Ngunit para sa siyam na magkakapatid na ito, hindi naging imposible sa kanila na tuparin ang pangarap ng kanilang mga magulang.


Sa sikat na Facebook group na Home Buddies ay ibinahagi ng netizen na si Sar Calva ang ilang mga larawan ng munting kubo nila noon kung saan siyam na magkakapatid silang nagkasya kasama ang kanilang mga magulang. Nangarap silang magkaroon ng sarili nilang tahanan, “dream house” kung tawagin ng marami sa atin.

Hindi naging hadlang ang kahirapan upang hindi sila magtapos ng pag-aaral. Talagang nagpursige ang kanilang mga magulang na sila ay mapagtapos ng pag-aaral.

At dahil mula nga silang lahat sa kahirapan ay talagang nagsumikap silang matapos ang edukasyon na nais ng kanilang mga magulang para sa kanila. Hindi nagtagal ay nakapagpundar din sila ng kanilang mga sariling tahanan at pinagsumikapan din nilang ipagawa ng sariling tahanan ang kanilang mga magulang.

Hindi naman nasaksihan ng kanilang mga magulang na makumpleto ang kanilang dream house ay tiyak na masayang-masaya pa rin sila sa langit na sa wakas ay natupad na ang matagal na nilang pinapangarap. Mayroon na silang tatlong palapag na bahay na mayroon pang napakagandang roof deck.

Tunay nga na walang imposible sa mga taong nagmamahalan at nagtutulungan para maabot ang kanilang mga pangarap.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.