Connect with us

Viral

Masayang larawan ng isang mag-ina habang naglalaro sa tabing kalsada, umantig sa puso ng publiko!

Published

on

Habang nasa loob ng sasakyan ang netizen na si Ameniel Del Mundo ay wala siyang Iibang iniisip kundi ang stress sa kaniyang trabaho. Nasa daan siya ng mga oras na iyon nang bigla na lamang niyang makita ang isang ina na nakikipaglaro sa kaniyang anak sa tabing kalsada.

Talagang nagulat siya nang makita ang mahirap nilang kalagayan ngunit nagagawa pa ring maging masaya at kuntento ng mag-ina.
“I was stressed by some issues in my business when I saw the child playing with his mom and the mother grabbed the child and played with him as well. The two were playing happily at the island while I was grumbling about my situation inside the car.” Pagsasalaysay ni Ameniel Del Mundo.

Bigla siyang napaisip dahil sa di hamak na mas mapalad siya sa kaniyang kalagayan ngayon kaysa sa mag-ina na iyon na walang maayos at ligtas na tirahan. Ngunit nakakaramdam pa rin siyang kalungkutan at hindi pa rin siya kuntento.

Sa kabila ng hirap na nararanasan ng mag-ina ay talagang mayroon pa ring kaligayahan sa kanilang mga puso. Nang muli siyang napadaan sa lugar na iyon ay hinanap niya ang mag-ina ngunit hindi niya na sila nakita pang muli.

Marahil ay nagpapalipat-lipat sila ng lugar kung kaya naman hindi na niya sila namataan pa doon. Hanggang sa ngayon ay nagnanais pa rin siyang makita ang mag-ina upang maabutan man lamang ng kahit kaunting tulong.

Labis din kasi siyang humanga sa kanila at nagsilbing inspirasyon ang mga ito upang siya ay mas magpursige pa sa buhay. Patunay lamang ang mag-inang ito na nasa sa atin ang kasagutan kung gusto nating maging masaya at kuntento sa buhay.

Kung kaya naman sana ay mas piliin nating maging maligaya at masaya hindi lamang para sa ating sarili kundi para na rin sa ating mga mahal sa buhay.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media