Connect with us

Viral

Magkakapatid na triplets, sabay-sabay na nabuntis at manganganak din ng parehong taon!

Published

on

Ang pagkakaroon ng anak ay isang mabigat na responsibilidad ngunit napakagandang karanasan para sa isang babae. Marami talagang sakripisyo at pagsubok ang pagdaraanan ng isang babaeng nagbubuntis hanggang sa panganganak nito ngunit ang lahat ng ito ay mapapalitan ng kaligayahan sa oras na masilayan na nila ang kanilang anak.

Matapos nito ay panibagong pagsubok na naman dahil hindi rin biro ang mag-alaga at magpalaki ng bata lalo na sa panahon ngayon. Kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang maibalita ang magkakapatid na triplets na ito na nabuntis nang sabay nang hindi nila sinasadya at hindi inaasahan.

Ang araw ng kanilang kapanganakan ay magkaparehong taon din! Ang triplets ay nakilala bilang sina Gina, Nina, at Victoria.

Sa unang tingin ay talagang hindi mo makikita ang pagkakaiba sa kanilang hitsura lalo na at pareho rin silang mga buntis. Maging ang kanilang mga kasuotan at istilo ng kanilang buhok ay magkakatulad din.

Marami ang nagsasabi na ang kambal daw ang pinakamalapit na magkakapatid sa buong mundo ngunit tila kakaiba talaga ang pagiging close ng triplets na ito dahil maging sa pagdadalang-tao at panganganak ay magkakatulad din sila.

“It was so touching to share our food cravings and mood swings, how we were feeling, how tired we were and other things like that. And it’s great to have two best friends to share experiences with.” Komento ng magkakapatid.

Si Victoria ay mayroon nang dalawang taong gulang na anak na babae isinilang nang Hulyo. Agosto naman nang isilang ni Nina ang kaniyang panganay na anak habang si Gina naman na mayroon nang dalawang anak na lalaki edad 8 at 5 ay nagsilang naman ng ikatlong anak niya ng Nobyembre!

Talaga namang nakakamangha na nagsilang silang tatlo ng kanilang mga anak ng parehong taon. Tiyak na magiging malapit ang mga sanggol na ito tulad ng kanilang mga ina.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.