Connect with us

Viral

Lalaking mas mataas pa ang IQ kumpara kina Albert Einstein at Isaac Newton, nag-enroll sa Harvard University sa edad na 9 taong gulang, kilalanin!

Published

on

Si Albert Einstein ay isang kilalang henyo. Siya ang nakadiskubre ng equation na “E = mc2” na ang nangangahulugan na ang “energy” at “mass” (matter) ay magkatulad lamang. Siya rin ang nakadiskubre ng “photoelectric effect” na nanalo pa ng “Nobel Prize for Physics” noong 1921.

Samantala, si Isaac Newton naman ay nakilala dahil sa pagkakadiskubre niya ng optics (white light composition) at mathematics (calculus). Siya rin ang nakadiskubre ng “three laws of motion” kung saan siya mas lalong nakilala sa buong mundo.

Si Einstein ay mayroong 160 na IQ habang 190 naman ang IQ ni Newton. Ang isang ordinaryong tao ay mayroon lamang 100 IQ.

Ngunit mayroon pa palang taong mas tataas sa IQ nilang dalawa. Siya ay walang iba kundi si William James Sidis na mayroong 250 hanggang 300 na IQ.

Marahil marami ang mag-aakala na naging masaya at talagang kuntento ng kaniyang buhay ngunit lingid sa kaalaman ng marami ay naging masalimuot ang kaniyang buhay. Taong 1898 nang siya ay isilang.

Ang kaniyang ama ay mayroong Ph.D. sa Psychology at mayroon ding 4 na degrees sa Harvard habang ang kaniyang ina naman ay Doctor of Medicine. Nang siya ay 18 buwang gulang pa lamang ay nakapagbabasa na siya ng “The New York Times”.

Anim na taong gulang siya nang siya ay matutong magsalita ng English, French, German, Russian, Hebrew, Turkish at Armenian. Sa edad na walong taong gulang ay nakapagimbento siya ng isang kakaibang lenggwahe, ang Vendergood.

Hindi naging madali ang kaniyang buhay dahil noon pa man ay talagang hindi na siya sanay sa tao, galit siya sa mga tao.

“I want to live a perfect life. The only way to have a perfect life is to live in seclusion. I have always hated people.” Minsan niyang ipinahayag sa ilang mga reporters.

Dinagdag din niyang mananatili daw siyang single at walang asawa dahil kailanman ay wala raw nagkagusto at walang magkakagustong babae sa kaniya.

Hindi rin maganda ang karanasan niya sa kaniyang ama kung kaya naman maging sa burol at libing nito ay hindi siya talaga nagpunta. Sa kabila ng pagiging henyo ay tumatanggap na lamang siya ng mga trabaho na mayroong maliit na kita.

Dahil dito ay mas marami ang humusga at kumutya sa kaniya. Taong 1944 nang siya ay matagpuang wala nang buhay sa Boston dahil sa stroke sa edad na 46.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media