Connect with us

Viral

Sampung taong gulang na batang entrepreneur, kumita ng $200,000 sa unang buwan ng kaniyang negosyo, handa nang magretiro sa edad na 15!

Published

on

Marami ang namangha sa batang entreprenyur na ito na sa edad na 10 taong gulang ay kumita na ang negosyo ng halagang $200,000 sa unang buwan pa lamang. At dahil naging matagumpay ang kaniyang business ay maaari na rin siyang magretiro sa murang edad na 15 taong gulang!

Ang batang si Pixie Curtis ay mula sa Australia at sa tulong at gabay ang kaniyang ina ay nagawa niyang makapagsimula ng negosyo na pinangalanan niyang Pixie’s Bows. Talaga namang unang buwan pa lamang ay sobrang pumatok na ito.

Taong 2011 pa nang simulan nila ng kaniyang ina ang Pixie’s Bows at nang Mayo din nang taong iyon ay nasundan pa ito ng Pixie’s Fidgets. Sa loob ng sampung taon ay kumita na ito ng halos $21 milyong piso.

Ang ina ni Pixie na si Roxy Jacenko ang talagang sumuporta sa kaniyang anak at talaga namang nagulat din siya nang makita niya kung gaano kadeterminado at pursigido ng kaniyang anak sa sinimulan nitong negosyo.

“What is the most exciting thing for me is the entrepreneurial spirit that she has at such a young age,” Komento ni Roxy.

“I never had it, although it was drummed into me that I had to succeed. When I was 14, I got a job at McDonald’s because that’s what you did back in my day,” Dagdag pa niya.

Para naman kay Pixie nais niyang mabilhan ng bagong mga damit ang kaniyang ina sa isang shopping spree. Nais din niyang maiparanas sa kaniyang ina ang isang luxury vacation.


“I’m going to get her some new clothes because she has no good clothes at all, and I also want to get her some real hair because she desperately needs hair extensions,” Pahayag ni Pixie.

“Today, my friend told me his family is going to Paris for Christmas, and I think that’s just wonderful, so I told Mom I think we should go to my favorite place, which is Fiji.” Dagdag pa niya.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.