Connect with us

Viral

Isang aso ang nakuhanan ng larawan na sobrang malungkot dahil ang kaniyang amo ay mas abala sa pag-aalaga ng baby!

Published

on

Marami sa atin ang talagang mahilig sa hayop. Hindi na bago sa bawat tahanan sa Pilipinas ang magkaroon ng mga alagang aso, pusa, o ibon.

Sa ngayon ay mas dumarami pa nga ang mga alagang hayop natin tulad na lamang ng mga isda, kuneho, hamsters, at maging mga exotic pets ay mayroon na ring iilan na nag-aalaga. Sa pag-aalaga natin ng mga pet nating ito ay talagang kailangan nating maglaan ng oras at panahon sa kanila.

Maging sa aspetong pinansiyal ay kailangan din nating maglaan para sa kanila. Kamakailan lamang ay marami ang nasorpresa ang mga larawan na ito ng isang aso sa tabi mismo ng kaniyang amo.

Makikita kasi sa larawan na ang kaniyang amo ay abala at talaga namang nakapokus sa pag-aalaga ng isang sanggol. Pinapadede niya ito ng gatas at saka inupo pagkatapos at tinapik-tapik ang likuran ng baby.

Ngunit sa bandang likuran ng amo ay tila mayroong aso na lungkot na lungkot. Kitang-kita sa kaniyang mukha at sa kaniyang pagkakaupo. Tila ba isang anak din na nagseselos sa kaniyang mga magulang na abala sa bago nitong kapatid.

Agad din naman itong napansin ng kaniyang amo at siya ay kinausap. Niyakap siya ng amo niya at binulungan na hindi raw ito dapat malungkot o magselos dahil sa bagong baby sa kanilang tahanan.

Talaga namang marami ang natuwa sa larawan na ito ng asong seloso na nagnanais din ng atensyon ng kaniyang amo. Tunay nga na huwag din naman sana nating kaligtaan ang maaaring maramdaman ng ating mga alagang hayop kung sakaling magkaroon tayo ng bagong baby sa ating pamilya.

Marahil ay akala nating wala lamang ito sa kanila ngunit nakakaramdam na rin pala sila ng pagseselos o di kaya naman ay tila nababalewala sila ng kanilang mga minamahal na amo. Huwag din sana nating kalimutan na tapat ang mga alaga natin sa atin kung kaya naman nararapat din namang ibalik natin ang katapatan at pagmamahal na ito sa kanila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.