Connect with us

Viral

Ellen Adarna at Derek Ramsay, gustong ituloy ang kanilang honeymoon sa Africa sa kabila ng banta ng Omicron!

Published

on

Nobyembre 11, 2021 nang ikinasal sina Ellen Adarna at Derek Ramsay. Talagang namang punong-puno ng pag-ibig at kasiyahan ang espesyal na araw nilang ito.

Dinaluhan ito ng malalapit nilang mga kamag-anak at kaibigan. Hindi rin naman nawala ang kanilang mga anak na sina Austin at Elias Modesto.

Makalipas ang kanilang kasal ay mas marami pang mga nakakatuwang video ang mag-asawa na madalas nilang ibahagi sa kanilang social media accounts. Marami din naman sa kanilang mga fans ang kinikilig at natutuwa sa kanilang pagkukulitan.

Maaalalang ibinahagi din ni Derek na walang “action” na nangyari sa kanila ng kaniyang misis sa unang gabi nang kanilang pagiging ganap na mag-asawa dahil sa kasama nila sa kwarto ang ina ni Ellen. Kung kaya naman para sa kanilang honeymoon ay nais nilang magtungo ng Africa sa kabila ng panganib at banta ng Omicron na mas mabilis daw makahawa kumpara sa ibang variant.

Plano nilang mag-asawa na pumasyal at magtungo sa Safari sa ikalawang linggo ng Enero 2022 kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd na si Elias Modesto.

“Gusto namin ma-experience ni Elias ‘yung na-experience namin. Pinag-iisipan namin ni Ellen ito, e, na kung nandun na kami, tapos ‘yung mga makikita namin, iwi-wish siyempre na makita ni Elias iyun. ‘Yung Safari, once mo lang gagawin ‘yun, e. Maganda kung makasama namin si Elias, para ma-experience din niya,” Pahayag ni Derek sa isang interview.

Samantala ay hindi naman daw maaaring maisama nina Ellen at Derek ang teenager na anak ng aktor na si Austin dahil sa may pasok ito sa eskwela. Ibinahagi din ng aktor kung gaano sila kasaya ngayon ni Ellen kapiling ang kanilang mga anak.

Wala din daw silang naramdamang pressure habang inaayos at pinaplano nila noon ang kanilang kasal. Naging komportable at masaya din daw sila sa bawat sandali ng kanilang pagsasama lalong lalo na ngayon na sila ay kasal na.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.