Connect with us

Viral

Kilalanin ang bagong weatherman ng TV Patrol na pumalit kay Ernie Baron at Kuya Kim Atienza!

Published

on

Marami ang nasorpresa nang pormal nang ipinakilala sa TV Patrol ang bago nilang resident meteorologist. Siya ay walang iba kundi si Ariel Rojas na pumalit kay Kuya Kim Atienza.

Maging ang news anchor na si Karen Davila ay bumati kay Ariel at nagpahatid ng warm welcome nito sa social media. Dagdag pa ni Karen ay binati din siya ng ABS-CBN News head Ging Reyes sa naging una nitong pag-ere sa telebisyon.

Maging ang ama daw mismo ni Ariel ay hindi rin napigilang maging emosyonal nang makita ang kaniyang anak sa telebisyon. Nagkwento naman ni Ariel sa ABS-CBN news patungkol sa kaniyang mga pinagdaanan noon bago pa man siya maging isang ganap na meteorologist.

Ang probinsiya ni Ariel ay Catanduanes na madalas talagang daanan ng bagyo. Talaga namang naging saksi siya sa kung paano naapektuhan ng panahon ang buhay at maging ang trabaho ng nakararami sa kanilang lugar.

Namulat siya na mahalaga pala talagang malaman ang sapat at napapanahong impormasyon tungkol sa panahon. Inalala din niya ang bagyong Rosing noong taong 1995 kung saan mantel lamang ang naging takip ng kanilang bubong na nabutas at nilipad na.

Ang dream course daw talaga niya noon ay geography at hindi meteorology ngunit dahil na rin sa gastos ng kursong ito ay napagtanto niyang hindi ito ang kurso para sa kaniya. Kung kaya naman siya ay kumuha ng kursong Bachelor of Sciences in Food Technology sa University of the Philippines.

Nang kaniyang senior year noon ay kinailangan niyang huminto sa pag-aaral para sa kaniyang mga kapatid. Talagang nagsumikap siya ng husto upang makatulong sa pamilya at maitaguyod ang pag-aaral ng kaniyang dalawang mga kapatid.

Kalaunan ay nakapagtapos na rin siya sa kolehiyo at nagpatuloy ng Masters in Meteorology. Apat na taon din ang kaniyang binuno upang matapos ito dahil sa kinailangan niyang suportahan ang gamutan ng kaniyang inang may sakit.

Taong 2017 ay nabigyan na siya nang pagkakataong ipagpatuloy ang kaniyang mga plano para sa kaniyang karera. Dito na siya nabigyan ng pagkakataon na makapagtrabaho bilang meteorologist sa state weather bureau na PAGASA at hindi nagtagal ay bilang pinakabagong meteorologist ng ABS-CBN.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.