Connect with us

Viral

Kakaibang Christmas tree ng mga bilanggo sa Naic, Cavite na isang “Wish Ko Lang Tree”, binigyang katuparan ng ilang mga netizens!

Published

on

Magpapasko na naman sa Pilipinas at talaga namang marami ang nasasabik nang magdiwang ng kapaskuhan kapiling ang kanilang mga mahal sa buhay. Nakasanayan na kasi nating mga Pilipino na maghanda ng kahit kaunting salo-salo at simpleng regalo para sa ating mga mahal sa buhay.

Kahit gaano pa kahirap ang buhay ay talagang hindi nawawala ang ganitong tradisyon sa bawat pamilya Pilipino. Ngunit paano naman kaya nagdiriwang ng kapaskuhan ang mga taong nasa loob ng kulungan?

Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng maraming mga netizens ang post ng netizen na si Bryan Villaester nito lamang Disyembre 3, 2021. Sa kaniyang post kasi ay makikita ang larawan ng tila kakaibang Christmas tree nila sa BJMP sa Naic, Cavite.

Ito pala ay isang “Wish Ko Lang Tree”, kung saan ang bawat preso o bilanggo ay maaaring magsulat sa kapirasong papel kung ano ang kahilingan nila sa darating na Pasko. Mayroon itong pangalan bawat isa at mayroon ding “Dorm number”.


Sa karamihan ng mga kahilingan na ito ay kapansin-pansin na halos personal hygiene o di kaya naman ay mga simpleng bagay lamang ang kanilang hinihiling tulad na lamang ng sabon, shampoo, toothpaste, alcohol, at marami pang iba. Ngunit para naman sa iba tanging simpleng handa o pagkain lamang ng kanilang pamilya ang kanilang hiling.

Nais ng ilan sa kanila na masiguradong may maihahanda man lamang ang kanilang mga pamilya sa Noche Buena. Habang ang iba naman ay pamaskong damit ang hiling para sa kanilang mga anak.

Tunay nga na kahit nasa loob sila ay pamilya pa rin nila o mga anak pa rin nila ang kanilang iniisip. Marami din namang mga netizens ang nagpaunlak at tumulong upang matupad ang kahilingan ng karamihan sa mga presong ito.

Kung kaya naman tiyak na mas magiging masaya ang pagdiriwang nila ng Kapaskuhan. Nakakatuwang maraming mga Pilipino ang nagtutulong-tulong upang maging daluyan ng biyaya ngayong Pasko.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.