Connect with us

Viral

Munchkin kitten, deretso kung matulog hindi tulad ng ibang mga pusa, talaga namang pinusuan ng maraming mga netizens!

Published

on

Maraming mga Pilipino ang aminado na sila ay mga pet lovers o animal lovers. Hindi maipagkakailang marami sa atin ngayon ang nag-aalaga ng mga aso, pusa, ibon, at iba pang mga cute na pets.

Mayroon din namang iilan na interesado sa pagkakaroon ng mga exotic o kakaibang pets. Kamakailan lamang ay marami ang natuwa sa isang Orange at white na Calico munchkin kitten na ito na ang pangalan ay Chata mula sa Japan.

Talagang marami ang giliw na giliw sa kaniya sa Instagram dahil sa napakacute niyang mga larawan. Mayroon talaga silang sariling account ng kaniyang nakatatandang kapatid na isa ring pusa.

Dito ay makikita at masasaksihan ang napakaganda nilang mga larawan at ang kanilang kakulitan. Mas marami din ang nakapansin sa kanila matapos i-post ng amo nina Chata ang kaniyang larawan habang natutulog.

Diretsong-diretso kasi ang pwesto nito hindi tulad ng ibang pusa. Akala mo ba ay isang taong pagod na pagod at natulog na lamang ng nakatihaya.

Dalawa at kalahating buwan na si Chata kung kaya naman talagang napakaplayful pa rin nito. Pink ang kaniyang mga “paws” na talaga namang mas nakakadagdag din ng kaniyang cuteness.

Maging ang kaniyang inosente at mapungay na mga mata ay pinupusuan din ng kaniyang mga followers online! May malalaki at bilog na mga mata si Chata kung kaya naman talagang kapansin-pansin ito sa kaniyang mga larawan.

Ang kaniyang nakatatandang kapatid naman na si Chava ay nuknukan din ng kakulitan tulad niya. Siyam na buwang gulang na ito ngunit hindi rin naman masyadong nagkakalayo ang kanilang laki ngunit kaagad mong makikita kung sino si Chata at Chava sa kanilang dalawa.

Mayroon na silang higit sa 44,000 na mga followers. Talaga namang napakacute ng dalawang pusang ito. Sa gitna ng pandemya at maraming alalahanin sa ngayon ay nakakatulong pa rin ang pagkakaroon ng ganitong mga social media accounts na talaga namang nakaka-good vibes, hindi ba?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.