Connect with us

Viral

Isang maganda at seksing biker sa Twitter, isa pa lang 50 taong gulang na matandang lalaki sa totoong buhay?!

Published

on

Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang FaceApp. Ang mga nakakapag-download nito ay maaaring makipag-swap o makipag-palit ng mukha sa kahit sino o maging sa paborito nilang mga personalidad.

At talagang napakadali lang gawin nito. Ngunit kamakailan lamang ay marami ang nagulat nang malaman ang tunay na pagkatao ng isang maganda at seksing biker na ito sa Twitter.

Siya pala ay isang matandang lalaki talaga at nasa edad 50 taong gulang na. Napakarami na niyang mga followers kung kaya naman hindi talaga makapaniwala ang lahat sa naging pagbubunyag na ito ng Japanese motorbike rider.

Mayroong higit sa 18,000 na followers sa Twitter si @azusagayuki. Madalas siyang kumukuha ng larawan sa tabi ng kaniyang Yamaha na motorbike at nagjojoyride din tulad ng ilang mga taong hobby ang pagmamaneho ng motorbike.

Ngunit tila hindi nagtagal ang kaniyang pagpapanggap nito nang may mga netizens na nakapansin sa larawang ibinahagi niya noong Pebrero 11. Sa rearview mirror kasi ay makikita na tila matandang lalaki ang kumuha ng naturang larawan.

Nakarating naman ito kaagad sa isang Japanese variety show na siyang humanap sa naturang biker sa Hokkaido. Sa “Monday Late Show” na umere noong Marso 15, lahat ay nagulat nang ipakita na ng rider ang tunay niyang hitsura matapos niyang hubarin ang kaniyang helmet.

Ang babaeng inaakala nilang napakaganda ay isa palang matandang lalaki. Blonde din ang buhok nito tulad ng mga larawan sa Twitter ngunit hindi talaga siya isang babae tulad ng inaakala ng marami.

Ipinakilala niya ang kaniyang sarili bilang si Souya at inamin naman niyang ginamit niya ang face-changing app upang mapalitan ang kaniyang mga orihinal na larawan sa Twitter at maging isang maganda at seksing babae na nasa 20’s ang edad.

“I want to share pictures of myself riding a motorcycle, but no one wants to see an old man,” Pagkukwento ni Souya.

Naging hati rin naman ang komento ng mga netizens at ng kaniyang mga follower patungkol dito.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.