Connect with us

Viral

Taxi driver, sinabi sa kaniyang pasahero na inaantok siya kung kaya naman ihahanap na lamang siya ng ibang masasakyan ngunit laking gulat nang matanda nang gawin ng babae ito!

Published

on

Talaga namang usong-uso ang pampublikong transportasyon dito sa Pilipinas. Hindi maipagkakaila na marami sa ating mga manggagawa ang araw-araw na sumasakay sa mga pampublikong sasakyan na ito upang makarating sa kanilang mga pinagtatrabahuhan at upang makauwi rin sa kani-kanilang mga tahanan.

Ngunit ano nga kaya ang magiging sagot o reaksyon ng isang pasahero kung sasabihin sa kaniya ng isang taxi driver na hindi na nito kayang magmaneho dahil sa sobrang antok at ihahanap na lamang niya ito ng ibang masasakyan? Si Christina Tan ang mabait na pasahero na siyang dapat sana ay aarkila sa taxi ng 70 taong gulang na taxi driver ngunit nang aminin sa kaniya ng matanda na sobrang inaantok na ito at hindi na kayang magmaneho pa, siya na mismo ang gumawa ng paraan upang maging komportable ang matanda.

Noong una ay naging maayos pa ang kanilang pag-uusap dahil sa nakapagmaneho pa ang matanda, nakapagkwentuhan din sila kung bakit hanggang ngayon ay nagtatrabaho pa rin ang matanda na dapat sana ay nagretiro na at namamahinga sa kanilang tahanan. Mayroon pa daw kasing pamilya ang matanda na umaasa sa kaniya kung kaya naman kailangan talaga niyang magbanat ng buto kahit na maedad na siya.

Nang makaramdam ng pagod at pagkaantok ang matanda ay sinabi na nito kay Christine ang kaniyang sitwasyon. Hindi naman ito naging problema sa pasahero niya dahil siya na raw ang bahalang magmaneho at maaari munang mamahinga ang matanda sa likuran.

Dahil sa mga larawan at sa kwentong ibinahagi ni Christina ay mas maraming mga Pilipino ang namulat na hindi naman pala masamang magmalasakit sa ating kapwa kahit pa nga sa pinakasimpleng paraan na kaya nating gawin. Ang buhay ay hindi isang kompetisyon kung kaya naman hindi natin kailangan na kalabanin lahat ng taong makikilala at makakasalamuha natin.

Kailangan lang nating magkaroon ng mabuting puso at kalooban upang mas maging maayos ang lahat at mas makapagdulot tayo ng inspirasyon sa nakararami.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.