Connect with us

Viral

Isang bakery owner, nag-iiwan ng mga tinapay na hindi nabenta at inuming tubig sa isang bench malapit sa kaniyang tindahan upang makatulong sa mga mas nangangailangan!

Published

on

Ang pagtulong sa kapwa ang isa sa pinakamagandang bagay na maaari nating gawin sa ating buhay. Lalong lalo na sa panahon natin ngayon.

Hindi naman kailangang maging mayaman upang makatulong sa ibang tao. Kung ano ang mayroon ka at alam mo sa sarili mong makakatulong ito sa iba ay hindi ka na dapat magdalawang-isip pa na gumawa ng hakbang.

Tulad na lamang ng isang bakery owner na ito sa Sicily, Italy. Sa higit 19 na taon nang pagkakatatag ng kaniyang bakery ay hindi siya napagod na tumulong sa mga taong mas nangangailangan.

Siya ay walang iba kundi si Fedele Termine, 45 taong gulang. Likas siyang mapagbigay kahit noon pa mang siya ay bata pa. Kung kaya naman ngayong mayroon na siyang sarili niyang negosyo ay talagang sinisikap niyang makatulong din sa ibang tao.

Dahil maraming tao sa kanilang lugar ang hindi nakakakain ng maayos lalo na bago matulog sa gabi kung kaya naman ang ginagawa niya ay nag-iiwan siya ng mga tinapay na hindi nabili mula sa kaniyang bakery sa isang bench at sinasamahan pa niya ng mga inuming tubig o di kaya naman ay gatas. Upang kung sino man ang kukuha dito ay tiyak na mabubusog nang walang binabayaran kahit singko.

Minsan naman ay nag-iiwan din siya ng mga pagkain sa bahay bahay malapit sa kaniyang bakery tulad na lamang halimbawa nang mayroong isang babaeng may sakit na hindi makaalis ng bahay. Siya mismo ang nagdala ng pagkain sa kanilang tahanan upang makakain ito gayundin ang kaniyang anak kahit nga wala pa silang pera.

Ayon kay Fedele, talagang natutunan niya raw ito noong siya ay bata pa nang minsang may isang monghe na napadaan sa kanilang bakery at nang tanungin nila ito kung ano ang kaniyang kailangan ay isang pirasong tinapay lamang ang hiningi nito. Sinundan niya ito ay nagulat siyang makita na ipinamahagi pa ito ng monghe sa mga taong mas nangangailangan pa kaysa sa kaniya.

Talaga namang tumatak ito sa puso at isipan niya kung kaya naman hanggang ngayon ay talagang tumutulong pa rin siya sa mga taong nangangailangan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.