Connect with us

Viral

Isang Korean teacher sa Taiwan, pinagkakaguluhan ngayon ng maraming mga netizens dahil sa pambihirang kagwapuhan nito!

Published

on

Dito sa Pilipinas, madalas nating ilarawan ang ating mga guro bilang nakakatakot at masungit na mga ginang at ginoo. Ngunit sa paglipas ng panahon ay tila unti-unti na ring nababago ang mentalidad na ito.

Tulad na lamang ng isang guro na ito sa Taiwan. Siya ay isang Koreano ngunit naninirahan at nagtuturo siya ngayon sa Lingdong University of Science and Technology sa Taichung.

Sa kaniyang mga larawan sa kaniyang social media account ay talaga namang makikita ang kaniyang angking kagwapuhan at kakisigan. Aakalain mo talagang siya ay isang sikat na Korean celebrity. Korean ang kaniyang major ngunit mahusay din siyang magsalita ng Chinese.

Ang teacher na ito ay nakilala sa tunay niyang pangalan na Kim Byung-soo mula sa South Korea. Siya ay 30 taong gulang na. Isa na rin siyang Internet celebrity sa IG dahil mayroon na siyang higit sa 53,000 na mga followers.

Ilang taon na rin siyang naninirahan sa Taiwan at kabilang siya sa “Chinese Language Teaching Department” sa kanilang paaralan. Ilang beses na rin siyang naging bisita sa programang “One in Two”.

Hindi lamang mga larawan sa eskwela ang makikita sa kaniyang mga posts dahil maging ang kaniyang mga sports activities at personal na buhay ay masisilip sa kaniyanga social media account. Sa ngayon ay wala pang balita kung siya ay mayroon nang nobya o nananatili pa ring single.


Talaga namang maraming mga netizens ang gustong-gusto na maging estudyante ng Korean teacher na ito. Tiyak daw na hindi magiging boring at hinding-hindi sila aantukin sa mga klase kung siya ang magiging guro nila.

Sa ngayon ay gumawa na rin siya ng sarili niyang YouTube channel kung saan siya madalas mag-upload ng kaniyang mga videos. Marami ding mga netizens ang nagla-like at nagshe-share ng kaniyang mga videos online.

Ikaw, nanaisin mo din bang maging guro ang Korean teacher na ito?



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.