Connect with us

Viral

Isang matapat at masipag na parking boy na nakatanggap ng scholarship noon nakapagtapos na ngayon ng elementarya!

Published

on

Marahil ay marami pa rin ang nakaaalala sa masipag at matapat na parking boy na ito na sumikat sa social media noong taong 2017. Siya ay walang iba kundi si Andrey Macabuhay na nagsauli ng napulot niyang pera sa parking lot na nagkakahalaga ng Php7,000.

Dahil sa hirap ng buhay ay kinailangan niya nang magbanat ng buto sa murang edad. Sa ginagawa niyang pagtulong at pagsenyas sa mga sasakyan upang makapag-park sila ng maayos ay kumikita siya ng kakaunting pera na siya namang ipinangtutulong niya sa kaniyang pamilya.

Isang araw ay napulot ni Andrey ang wallet ng isa sa mga may-ari ng sasakyan sa parking lot. Siya ay nakilala bilang si Dindo, nagulat siya ng maisauli pa sa kaniya ang kaniyang pitaka na naglalaman ng pitong libong piso.

Dahil sa labis siyang natuwa sa bata ay binigyan niya ito ng maliit na gantimpala at ibinahagi rin sa social media ang kaniyang naging karanasan. Marami din ang natuwa dahil sa katapatang ipinamalas ni Andrey kung kaya naman nakatanggap din siya ng full scholarship sa Immaculate Concepcion Institute.

Ang scholarship na ito ay mayroon nang kasamang allowance, libreng uniporme at libreng mga libro. Talaga namang labis labis ang pasasalamat ni Andrey kay Dindo dahil siya ang naging tulay upang siya ay magkaroon ng pagkakataon na makapagtapos ng pag-aaral.

Sa ngayon ay matagumpay na siyang nakapagtapos ng elementarya at ipinagpapatuloy na niya ang kaniyang pag-aaral hanggang sa hayskul at kolehiyo. Lahat ito ay libre dahil sa kaniyang scholarship.

Hindi rin naman matatawaran ang pasasalamat ni Andrey at ng kaniyang pamilya sa paaralan na nagbigay sa kaniya ng scholarship. Dahil dito ay mas naging maliwanag na ang kaniyang kinabukasan.

Tunay nga na marami pa ring mabubuting tao sa ating paligid na handang tumulong nang walang hinihintay na kapalit. Dahil dito ay tadhana na mismo ang gumagawa ng paraan upang sila ay mabiyayaan ng mga gantimpalang nararapat para sa kanila.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.