Connect with us

Viral

Video ng isang lola na todo ang iyak matapos mabagansiya ang kaniyang mga alagang aso, umantig sa puso ng mga netizens!

Published

on

Aminin man natin o hindi, marami sa ating mga Pilipino ang talagang malambot ang puso pagdating sa mga hayop. Kung maaari nga lang nating kupkupin ang lahat ng mga palaboy na hayop sa daan marahil ay marami na sa atin ang talagang kumupkop sa kanila.

Nakakaawa din kasing makita ang mga aso o pusang ito na walang maayos at ligtas na tirahan at wala ring sapat na pagkain at inumin. Nakakalungkot isipin na hanggang sa ngayon ay marami pa ring mga palaboy-laboy na hayop sa ating mga lugar.

Bagamat marami namang mga pribadong organisasyon ang gumagawa ng mga hakbang upang matulungan ang mga hayop na ito o di kaya naman ay mabawasan ang mga palaboy-laboy na hayop, tila wala pa ring kaliwanagan kung kailan nga kaya matatapos ang suliranin nating ito. Kamakailan lamang ay umantig sa publiko ang video na ito ng isang matandang babae na sobra ang naging pag-iyak nang makita ang mga alaga niyang aso sa loob ng kulungan.

Nabagansiya kasi ang kaniyang mga alagang aso na sina Brownie at Blackie. Talaga namang hindi mapigilan ni Nanay Ligaya na maluha ng husto sa nangyari.

Nais niyang kuhanin at iligtas ang kaniyang mga alaga sa mga otoridad na humuli dito ngunit wala naman din siyang magawa. Ayon sa matanda, nakita lamang daw niya sa parke ang mga ito at mula noon ay siya na ang nagpakain at nag-alaga sa kanila.


Maging sa kaniyang pagtulog ay yakap yakap daw niya ang kaniyang mga alagang aso. Kung kaya naman ganoon na lamang ang kaniyang pagdadalamhati nang kuhanin ang mga ito sa kaniya na itinuring na niyang pamilya.

“Sa gabi, kayakap ko silang matulog.Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko.Wala na kasi akong ibang kasama… sila na lang,” Pagbabahagi ni Nanay Ligaya.

“Wala naman akong magawa, umiyak na lang ako. Naaawa kasi ako sa aking mga aso. Gusto ko silang yakapin. Mahal na mahal ko kasi sila eh.” Dagdag pa nito.

Sa ngayon ay mayroon nang higit sa 2 million views ang naturang video at hiling din ng marami na sana ay maibalik na kay Nanay Ligaya ang kaniyang mga alaga.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.