Connect with us

Viral

Kilalanin si Andrea Ivanova na kinilala bilang ang babaeng may pinakamalaking labi sa buong mundo!

Published

on

Wala namang masama kung gugustuhin nating mas maging maganda o mas maging gwapo sa mata ng mga taong nakapaligid sa atin. Marahil ay isa rin itong paraan upang mas malinang ang kompiyansa natin para sa ating mga sarili.

Tulad na lamang ng isang babae na ito mula sa Sophia, Bulgaria. Siya ay kinilal abilang si Andrea Ivanova.

Sa edad niyang 24-anyos ay marami na siyang nagawang lip injection sa kaniyang labi. Nais niya kasi ng malaking labi dahil para sa kaniya ay mas maganda itong tingnan.

Taong 2018 daw nang magsimula siyang magpa-lip injection, noon ay 21 taong gulang pa lamang siya. Hindi lamang ang kaniyang labi ang kaniyang pinadagdagan dahil maging ang kaniyang dibdib at ang kaniyang likuran ay pinalakihan niya din.

Mayroon na ding higit sa 12,000 na followers ang kaniyang Instagram at TikTok. Masayang masaya daw siya sa tuwing nararamdaman niyang maraming mga tao ang nagkakainteres na tingnan siya lalo na ang kaniyang katawan na pinadagdagan niya.

“I’ve always wanted to be different, stand out from the crowd and be more eccentric. In addition to huge lips, I also have a silicon bust, 600 cubic meters of silicon in the breast, a total of 1200 cubic meters. I also wear more makeup, I like heavy dark glamorous makeup, artificial hair and large eyelashes,” paliwanag ni Andrea.

“I like them a lot and feel much better with my lips. Many men from all over the world write to me, on my social media networks offering me money, trips and inviting me to meetings all the time.” Dagdag pa niya.

Bagamat hindi sang-ayon ang kaniyang pamilya sa ginawang ito ni Andrea, sinisigurado naman niya na mas masaya at mas kuntento siya ngayon kumpara dati na hindi pa siya nagpaparetoke o nagpapadagdag.

“I like my lips now, more than before and I feel very good and very happy with them because according to me with bigger lips I look prettier.” Ani Andrea.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.