Connect with us

Viral

Isang waiter mula sa Arkansas ang nakatanggap ng tip na $4,400 ngunit bigla na lamang siyang tinanggal sa trabaho ng kaniyang manager dahil daw sa hindi pagsunod sa kanilang restaurant policy!

Published

on

Marami na tayong naging karanasan buhat nang magpandemya at talaga namang marami sa atin ang nagpapakatatag na lamang para na rin sa ating mga mahal sa buhay. Hindi rin mabilang ang mga taong nawalan ng trabaho at mga negosyong nagsara dahil sa pangyayaring ito ngunit marami pa ring mga mabubuting tao ang tumutulong sa mga taong nangangailangan.

Tulad na lamang ng isang customer na ito na nakilala bilang si Grant Wise. Mayroon kasi siyanga sinimulan na “dine-in get-together” na para sa mga miyembro ng “$100 Dinner Club”.

Bawat isang miyembro ay magbibigay ng tip na $100, kokolektahin ito at ipagkakaloob sa taong nangangailangan. Ang maswerteng napili nila ay ang waitress na si Ryan Brandt sa Arkansas at ang isa niyang kasamang waitress na kailangang umuwi ng maaga dahil masama ang kaniyang pakiramdam.

Tuwang-tuwa si Ryan dahil sa wakas ay mayroon na siyang maipambabayad sa kaniyang student loan. Ngunit laking gulat na lamang niya nang kausapin siya ang kaniyang manager na 20% lamang ng tip ang maaari niyang makuha at hahatiin sa kaniyang mga katrabaho ang matitira.

Sa loob ng higit tatlong taong pagtatrabaho niya ay noon lamang ginawa ng manager ito sa isang staff ng kanilang restaurant kung kaya naman labis ang kaniyanga pagtataka.

“I was told that I was going to be giving my cash over to my shift manager, and I would be taking home 20%,” Pahayag ni Brandt.

Ilang araw pa ang lumipas at tinanggal daw siya sa trabaho ng kaniyang manager dahil sa hindi nito pagsunod sa kanilang restaurant policy. Nakarating naman ito sa kaalaman ni Wise at nagdesisyon siyang bawiin na lamang ang tip na ibinigay niya para kina Brandt.

Tinulungan din niya siya ito sa pamamagitan ng GoFundMe kung saan nakalikom siya ng $8,700 na ibinigay naman niya sa waitress na si Brandt. Ngayon ay may bago na rin itong trabaho sa isang restaurant.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.