Connect with us

Viral

Aktres na si Heaven Peralejo, nakapagtapos na ng kaniyang course na Business Management kung kaya naman labis labis ang pasasalamat sa kaniyang ina na todo suporta sa kaniya!

Published

on

Ang pagpapahalaga at pagbibigay importansiya sa edukasyon ang isa sa madalas na ipaalala sa atin ng ating mga magulang. Ito lamang daw kasi ang kaya nilang ipamana sa kanilang mga anak na hindi kailanman mananakaw ng kahit sino.

Magiging daan din ito upang ang kanilang mga anak ay magkaroon ng isang maganda at maayos na buhay. Marahil ay ito rin ang dahilan ng nakararami sa atin kung kaya naman ganoon na lamang natin pahalagahan ang ating pag-aaral.

Maging ang mga sikat na artista ay nagsusumikap din upang matapos ang kanilang kolehiyo kahit pa nga kumikita na rin sila at nagiging matagumpay na sa propesyon na kanilang pinili. Isang halimbawa na riyan ang aktres na si Heaven Peralejo o si Heaven Lyan Salvador Peralejo.

Siya ay 22 taong gulang na aktres na una na nating nakilkala nang sumali siya sa Pinoy Big Brother: Lucky 7 noong taong 2016. Nito lamang Disyembre 17 nang ibahagi niya sa publiko ang isa sa kaniyang mga tagumpay ngayon.

Nakapagtapos na kasi siya ng Bachelor’s Degree in Business Management sa Southville International School affiliated with Foreign Universities (SISFU). Nagbahagi ng larawan sa kaniyang Instagram ang aktres kung saan makikita ang kaniyang graduation photo.

Ayon sa dalaga ay hindi raw talaga naging madali ang desisyong ito para sa kaniya ngunit talagang pinagsumikapan niya ito dahil na rin sa pangungumbinsi ng kaniyang ina sa kaniya. Para daw kasi sa kaniyang ina, ang pag-aartista ay maaaring mawala na lamang basta ngunit ang kursong kaniyang natapos ay maaari pa niyang gamitin upang makapagbago ng karera o propesyon para na rin sa kaniyang kinabukasan.

Naging matibay na suporta niya ang kaniyang ina at motibasyon na rin upang sa wakas ay makamit niya ang tagumpay niyang ito. Kasabay nito ay ibinahagi din niyang mas pinili na niyang maging independent at humiwalay na ng tirahan sa kaniyang pamilya.

Laking pasasalamat din ng aktres sa kaniyang mga kaibigan at sa maga staff ng kanilang paaralan na siyang tumulong at gumabay din sa kaniya upang makamtan ang kaniyang diploma.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.