Connect with us

Viral

Angel Locsin, hinangaan ng publiko dahil sa muling pagtulong sa mga Pilipinong nasalanta ng bagyong Odette!

Published

on

Si Angelica Locsin Colmenares-Arce o mas nakilala natin bilang si Angel Locsin ay 36 na taong gulang na aktres at commercial mode. Siya ay isa ring film producer at fashion designer.

Talaga namang marami ang humahanga sa kaniya noon pa man dahil sa pambhirang husay niya sa pag-arte. Ilang beses na rin siyang kinilala bilang isa sa pinakaseksing personalidad sa buong mundo.

Ngunit hindi na rin naman lingid sa kaalaman ng publiko ang pinagdaanan niyang paghihirap matapos siyang maaksidente sa isa sa kaniyang mga ginawang proyekto noon dahilan upang mas madagdagan pa ang kaniyang timbang. Sa ngayon, marami man ang bumatikos at humuhusga sa kaniya ay marami pa rin ang todo suporta sa kaniya lalo na sa kaniyang mga adbokasiya.


Madalas kasing tumutulong ang aktres sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga Pilipinong nasasalanta ng bagyo at iba pang kalamidad. Maging nang maranasan ng marami ang pandemya ay isa rin siya sa mga nagpaabot ng tulong sa mga kapus-palad.

Kamakailan lamang ay namataan siya sa volunteer center ni Vice President at presidential aspirant Leni Robredo. Ginawa nilang relief hub ang lugar na iyon na matatagpuan sa Katipunan, Quezon City.

Isa ito sa mga naging plano at naging kahilingan ni VP Leni na agad namang tinugunan ng aktres. Tunay nga na isang real life Darna talaga ang turing sa kaniya ng maraming mga Pilipino dahil hindi siya nagdadalawang-isip na tulungan ang mga taong labis na nangangailangan.

Batid naman natin ang hirap at pagdurusa na dinaranas ngayon ng ating mga kababayan na nasalanta ng bagyong Odette sa Visayas at Mindanao. Kung kaya naman ang ganitong mga kawang-gawa ay malaking tulong sa mga kababayan natin.

Naghatid ng tulong si Angel sa relief hub nina VP Leni at running mate nitong si Sen. Francis Pangilinan habang nakasuot ng kulay pink na jacket na simbolo din ng kanilang tambalan.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.