Connect with us

Viral

Maaari nang mag-bike sa isang Mcdonald’s sa China habang kumakain ng mga fast food products?!

Published

on

Nakasanayan na nating mga Pilipino ang kumain ng kumain ng masasarap na pagkain. Nariyan ang mga paborito nating Filipino foods at mayroon din namang mga meryenda at panghimagas pa.

Ngunit buhat nang mag-pandemya ay tila mas marami ang nahilig at nahumaling sa pagkain ng mga fast food products tulad na lamang halimbawa ng burgers, fries, sandwiches, fried chicken, spaghetti, at marami pang iba. Marahil ay talagang na-miss din natin ang mga ito buhat nang mag-lockdown.

Ngunit lingid sa ating kaalaman ay hindi talaga ito mabuti sa ating kalusugan. Mas marami kasi itong preservatives at calories kumpara sa mga pagkaing niluluto natin sa bahay.


Kamakailan lamang ay maraming mga netizens ang nakapansin sa isang babaeng nagba-bike habang kumakain ng kaniyang inorder na pagkain sa isa sa mga fast food chain ng Mcdonald’s sa China. Ikinagulat ng marami ang pagkakaroon ng tila work-out space na ito sa isang Mcdonald’s store.

Ngunit marami din ang mga netizens na nagtatanong at nagtataka kung ayos lang kaya sa “digestive system” ang ginagawa ng babaeng ito na isinasabay ang pagkain sa pagwowork-out. Ayon sa ilang mga ulat ay nais daw ng Mcdonald’s na magkaroon sila ng zero calories hanggang sa taong 2050.

Mayroon ding ilang artikulong nagsasabi na ang mga bike na ito pala ay konektado sa isang generator. Kung ito talaga ang katotohanan sa likod ng video na ito, nagbabayad ang mga kostumer sa kanila para sa kanilang mga pagkain at para na rin sa kuryente na kanilang nagagawa sa pagwowork-out nila habang kumakain.

Tunay nga na marami nang kakaibang mga bagay ngayon sa ating paligid ngunit hindi din natin dapat makalimutan na pahalagahan ang ating kalusugan at ang ating pangangatawan. Wala rin namang ibang mag-iingat at magmamalasakit sa ating katawan kundi tayo lang din.

Kung kaya naman bago pa mahuli ang lahat, unahin na natin ang ating sarili upang mas matagal pa tayong makapiling ng ating mga mahal sa buhay.



Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.