Connect with us

Viral

OFW na sampung taon na sa Qatar, nakatanggap muli ng sorpresa sa kaniyang mga amo na taon-taon nilang ginagawa para sa kaniyang kaarawan!

Published

on

Nakakatakot at talaga namang mapanganib ang pakikipagsapalaran sa banyagang bansa. Ngunit marami sa ating mga kababayan ang walang ibang magagawa kundi ang suungin na lamang ang panganib na ito upang maging posible ang pag-abot nila sa kanilang mga pangarap sa buhay.

Marami din sa atin ngayon ang pinipili na lamang maging Overseas Filipino Worker (OFW) upang masuportahan ang kanilang mga anak at makapagpundar ng negosyo o bahay at lupa sa kani-kanilang mga probinsiya. Sa kasamaang-palad ay marami na rin tayong nababalitaan na mga pang-aabuso at pang-aalipusta sa ating mga kababayan sa ibang bansa.

Madalas ay wala silang mahingian ng tulong dahil malayo sila sa kanilang pamilya at wala rin silang lakas ng loob na tumakas sa kanilang mga mapanakit na amo. Sa kabila ng mga balitang ito ay mayroon din namang iilan na mga OFW na nakakatagpo ng mabubuting mga amo.

Tulad na lamang halimbawa ng isang OFW na pinagsisilbihan pa mismo ng kaniyang amo na lalaki sa hapag-kainan. Kasabay siyang kumakain ng buong pamilya at kung ano ang kinakain nila ay siya rin niyang kinakain.

Gayundin naman ay mapalad din sa kaniyang amo ang Pinay na si Jovelyn Castillon dahil sa mayroon din siyang napakabuting amo. Ang kaniyang mga amo ay taon-taon daw siyangsinosorpresa sa kaniyang kaarawan.

At makikita naman sa video kung gaano kabuti sa kaniya ang kaniyang pinagsisilbihang pamilya na ang turing sa kaniya ay isa na ring kapamilya. Kinantahan pa siya ng mga ito bukod pa sa inihanda nilang cake at ilang pagkain.

Ayon pa kay Jovelyn, labis labis daw ang pasasalamat niya sa kaniyang mga amo dahil sa kanila ay napagtapos niya ang kaniyang mga kapatid sa Pilipinas sa halos sampung taon na pamamalagi nito sa kanila. Nakapagpundar na din daw siya ng printing business at milk tea business sa Pinas na ngayon ay pinapaasikaso niya sa kaniyang mga kapatid.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media