Connect with us

Viral

Tricycle driver na nagpahiram ng jacket sa isang teenager na sumakay sa kaniyang tricycle, umani ng papuri at positibong komento mula sa publiko!

Published

on

Nitong mga nagdaang taon, naging usap-usapan na talaga ang patungkol sa pambabastos ng mga kalalakihan at mga pananamit naman ng mga kababaihan. Marami kasing nababastos ngayon na mga kababaihan dahil sa kanilang maiiksi at “revealing” na mga pananamit.

Habang ang madalas namang hinuhusgahan ng publiko ay ang mga kalalakihan na nakakagawa ng mga hindi magagandang bagay lalo na kung nakakakita sila ng magaganda at seksing mga babae.

Kamakailan lamang ay sinaluduhan at talagang umani ng papuri mula sa publiko ang isang tricycle driver na ito na nagpahiram ng jacket sa isang teenager na sumakay sa kaniyang tricycle.

Napansin niya kasi na maiksi ang suot ng dalaga at marami ang napapatingin dito. Kung kaya naman hidndi na nagdalawang-isip pa ang tricycle driver na ipahiram ang kaniyang jacket sa kaniyang pasahero.


Natuwa naman at labis labis ang pasasalamat ng dalaga na nakilala bilang si Jiza Queen Miranda Espalarga. Ayon sa post ni Espalarga, habang nakasakay daw siya sa tricycle ay sinabihan siya ng driver na huwag siyang ma-o-offend kung ipapahiram niya ang kaniyang jacket dito.

Itakip daw niya ito sa hita niya dahil sa pinagtitinginan daw siya ng mga taong dumadaan. Ang naturang driver ay mula sa Dagupan City.

Talaga namang hinangaan at sinaluduhan siya ng publiko sa kaniyang ginawa. Hindi dapat talaga husgahan ang lahat ng mga lalaki o mga babae dahil lamang sa ginagawa ng ilan sa kanila.


Marami pa rin namang mga tao ang gumagawa ng mabuti para sa kanilang kapwa. Kahit pa nga hindi naman na sakop ng trabaho ng tricycle driver na pahiramin ng jacket ang kaniyang pasahero, ginawa pa rin niya ito dahil mayroon siyang malasakit sa dalaga.

Sana ay mas marami pang mga Pilipino lalo na ang mga kabataan na matuto at magkaroon ng inspirasyon upang itrato ng tama ang kanilang kapwa anuman ang kanilang edad at kasarian.

Source: Facebook Jiza Queen Miranda Espalarga


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media