Connect with us

Viral

Malawak na mansyon ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao sa Forbes Park, nagkakahalaga na ngayon ng tumataginting na P2.3 billion!

Published

on

Para sa maraming mga Pilipino, isa na marahil sa pinakamagandang maipupundar ngayon ay bahay at lupa. Talaga kasing mataas na rin ang presyo ng mga lote ngayon kung kaya naman hindi lahat sa atin ay nagkakaroon ng pagkakataon na makabili at makapagpundar nito.

Ngunit para sa mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao, talaga namang naging posible ito dahil na rin sa pagsusumikap ni Sen. Manny sa boksing kung saan siya ay tinanghal na rin bilang isang legendary boxer.

Lingid sa kaalaman ng maraming Pilipino, marami na siyang naipundar buhat nang palarin siya sa larangan ng boxing. Ayon sa ilang mga ulat, ilan sa kaniyang mga naipundar na ay ang Beverly Hills mansion na mayroong pitong kwarto at walong palikuran.

Ito ay nagkakahalaga ng $12.5 million! Mayroon din siyang mansyon sa General Santos na tinawag nilang “White House” mayroon itong covered court para sa kaniyang mga mamahaling sasakyan, swimming pool at play area sa kanilang compound.

Mayroon din silang beach house sa Sarangani na mayroong 14 na mga kwarto. Hindi rin naman malilimutan ng publiko ang kanilang Forbes Park mansion na matatagpuan sa Makati City.


Taong 2011 daw nang bilhin niya ito para na rin “peace offering” sa kaniyang misis matapos ang mahirap na pagsubok na kanilang pinagdaanan nila noon sa kanilang relasyon. Nabili niya ito sa halagang 388 milyong piso.

Taong 2014 naman nang ito ay magkahalaga na ng 708 milyong piso. Ayon sa real estate firm na Presello.com, isang firm na nagbebenta ng mga malalaki at multi-million property sa Metro Manila, P1.5 billion lamang ang Forbes Park mansyon noong Agosto 2020 makalipas ang halos isang taon ay P2.3 billion na ang halaga nito ngayon.

Ang zen-inspired luxury mansion nila ay mayroong sukat na 2,000 square meters. Mayroon itong limang kwarto, pitong palikuran at isang bagong “renovate” na pool area.

Talaga namang nakakamangha sa ganda at lawak ang property nilang ito!


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media