Connect with us

Viral

Love story ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao nagpakilig sa kanilang mga taga-hanga at taga-suporta!

Published

on

Hindi na bago sa maraming mga Pilipino ang pagkakaroon ng mga iniidolo na personalidad. Maaaring artista, pulitiko, modelo, at marami pang iba.

Dahil sa ating paghanga sa kanila ay madalas din na hindi na natin naiiwasan na magsaliksik patungkol sa kanilang mga pinagdaanan sa buhay, mga pagsubok na kanilang napagtagumpayan at marami pang iba. Tulad na lamang halimbawa ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao. Isa sila sa pinakakilalang mag-asawa sa bansa.

Ito ay dahil na rin sa pambihirang talento ni Sen. Manny sa pagboboksing. Binigyan niyang karangalan ang Pilipinas ng maka-ilang ulit nang talunin niya ang mga mahuhusay na boksingero ng maraming bansa.

Dahil dito ay pinagpala na rin siya at nakapagpundar ng ilang mga negosyo, mansyon, at iba pang mga ari-arian. Hindi lamang si Sen. Manny ang hinahangaan ng maraming Pilipino kundi maging ang kaniyang may bahay na si Jinkee Pacquiao.

Siya ay isang mapagmahal na asawa, ina, anak, at kapatid sa kaniyang pamilya. Silang dalawa ay nagkakilala pala sa isang mall kung saan nagtatrabaho noon si Jinkke at nagtitinda ng ilang mga beauty products.

Noong dalaga pa kasi siya ay madalas din daw siyang sumasali sa mga beauty pageants. Ang tito niya na kaniya ring trainer ang nagpakilala sa kanila sa isa’t-isa.

Tila nabighani naman kaagad si Sen. Manny sa angking kagandahan ni Jinkee. Nanligaw siya ng halos tatlong buwan hanggang sa nakamit na nga niya ang matamis nitong oo.

Nagpakasal sila ng taong 2000, bago pa man makilala sa larangan ng pagboboksing ang senador. Ngunit noong una ay tutol pala talaga ang nanay ng Pambansang Kamao sa kanilang pagpapakasal dahil noon ay engaged na ito sa isang babae ngunit naghiwalay din sila at saka niya nakilala si Jinkee.

Hindi dumalo sa pamamanhikan at sa kasal nila si Mommy Dionisia. Ngunit ngayon ay nasa magandang kalagayan na ang kanilang samahan. Nabiyayaan na din sina Manny at Jinkee ng limang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media