Connect with us

Viral

“It’s payback time!” – Isang anak ng OFW pinauwi na ang kaniyang ina na halos 20 taon ding nagtrabaho sa ibang bansa para sa kanilang magkakapatid!

Published

on

Wala na yatang mas sasarap pa sa pakiramdam na makita mong pinapahalagahan ng iyong mga anak ang iyong mga paghihirap at pagsasakripisyo. Bilang isang magulang, talaga namang napakahirap ang pagsabayin ang pag-aalaga sa mga anak at pagbabanat ng buto.

Gustuhin mo man na tutukan ang iyong anak at alagaan ng maigi ay hindi mo magawa dahil kailangan mo ring maghagilap ng trabaho at mapagkakakitaan upang masuportahan ang iyong pamilya.

Layunin ng mga magulang na mapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak kung kaya naman ito na marahil ang isa sa mga dahilan upang sila ay maghanap ng mas magandang oportunidad sa ibang bansa.

Tulad na lamang ng nanay ni Hans Alcanzare na kinailangang mangibang-bansa at doon magtrabaho ng halos 20 taon para lamang mapagtapos silang pitong magkakapatid ng kolehiyo. Hindi alintana ng kaniyang ina ang pangungulila, matinding pagod at sakripisyo na kailangan niyang tiisin ng mahabang panahon na iyon maibigay lamang ang lahat ng kanilang pangangailangan.

Anim na taong gulang pa lamang si Hans ng mga panahon na iyon. At nang makapagtapos na nga silang magkakapatid, ninais din naman nilang sorpresahin ang kanilang pinakamamahal na ina.
Pinauwi na nila ito at ayon sa caption ni Hans sa kaniyang post:

“It’s your graduation day, Mom! It’s time to go home,” Pahayag ni Hans.

Mayroon din silang regalo na all-expense Asian trip para sa kanilang ina kung saan Singapore ang unang destinasyon ng kanilang ina. Sa pagpapagal ng kanilang ina ay nakapagtapos na silang magkakapatid bilang certified public accountant, licensed teacher, registered nurse, pharmacist and midwife, civil engineer, registered master plumber at isang information technologist.

Tunay nga na wala talagang papantay sa sakripisyo ng isang ina para sa kaniyang mga anak. Bilang ganti ng mga anak ay mas nagsumikap sila sa kanilang pag-aaral upang balang-araw ay masuklian din nila ang naging sakripisyo ng kanilang pinakamamahal na ina.

Source: Rachfeed


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media