Connect with us

Viral

Bagong kasal, gumastos lamang ng higit Php3,000 para sa kanilang wedding reception na mayroong pang unli-rice at unli-sabaw!

Published

on

Aminin man natin o hindi, marami sa ating mga Pilipino ang talagang hindi napaghahandaan ang pagpapakasal. Hindi rin kasi talaga biro ang preparasyon at gastos sa pagpapakasal. Talagang kailangan itong paglaanan ng panahon, oras, at pera.

Ngunit buhat nang magpandemya, mas marami na sa atin ang namulat at mas naging praktikal. Marahil ay madalas na tayong nakakakita o nakakapanuod ngayon ng mga “intimate weddings” o di kaya naman ay “minimalist weddings”.

Sa “intimate wedding”, maaaring garbo ang kanilang naging paghahanda ngunit piling-pili lamang sa mga malalapit na kaibigan at pamilya ang imbitado habang sa “minimalist wedding” naman ay talagang praktikal lamang ang gastos sa bawat detalye ng kasal. Maliban pala sa dalawang uri ng kasal na ito ay mayroon pang mas praktikal kung saan ang wedding reception ay naganap sa isang fastfood restaurant.


Ang bagong kasal na sina Rhaqueza at Rian Baynosa mula sa Cebu ay dinala ang kanilang 13 mga bisita sa sikat na kainan na ito. Suot pa ang kaniyang wedding gown ay ang bride na mismo ang umorder sa counter ng kanilang pagkain kung saan siya ay nagbayad lamang ng Php3,044!

Mayroon na itong unli-sabaw at unli-rice at mayroon pang dessert na halo-halo. Talaga namang solb na solb ang kanilang mga bisita at kasama na silang dalawa sa naging gastos nila na iyon.

Sa mismong restaurant na rin sila nag-money dance at nagbukas ng mga regalo kung saan nakatanggap sila ng kaldero na puno ng bigas at arinola. Ginawa nila ito dahil nais talaga nilang makatipid para sa pagdating ng kanilang anak.

Walong buwang buntis noon ang bride kung kaya naman laking pasasalamat niya din dahil sa nakatipid sila ng husto sa ginawa nila para sa kanilang wedding reception. Laking pasasalamat din nila sa kanilang mga bisita na talagang nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanilang mag-asawa.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media