Connect with us

Viral

Isang OFW, maswerte sa kaniyang dayuhang amo na ipinaghahanda pa siya ng pagkain sa hapag-kainan!

Published

on

Hindi na mabilang ang mga nakakatakot at nakakalungkot na karanasan ng ating mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) pagdating sa kanilang mga amo sa ibang bansa. Marami ang nakaranas ng kalupitan at pang-aabuso sa mga dayuhang amo at dayuhang pamilya na kanilang napupuntahan sa ibayong dagat.

Naisin man nilang umuwi sa kanilang mga pamilya ay hindi nila magawa dahil sa wala silang sapat na pera at wala rin silang lakas ng loob na lumaban sa banyagang bansa na ito. Ngunit sa kabila pala ng napakaraming mga kwento ng pang-aalipusta at pang-aabuso ay mayroon pa ring mga dayuhang amo na maayos pa rin ang pagturing sa ating mga kababayan kahit nga sila ay mga kasambahay lamang o “domestic helpers” sa kanilang bayan.

Halimbawa na lamang ang natunghayang video ng mga netizens kung saan nakilala ito sa username na “@hamad66677”. Marami ang nasorpresa kung paano niya itrato ang kanilang kasambahay.
Makikita sa video na nakaupo pa mismo ang kababayan sa tabi ng kaniyang amo na lalaki. Kasama din sa hapag-kainan ang ilang mga bata na marahil ay mga anak nito.

Umani ng papuri ang ginawang ng banyagang amo dahil sa una pa nitong pinaghanda ng pagkain ang kanilang kasambahay na Pilipina at nagsandok ng maraming kanin at ulam. Pagkatapos naman nito ay unti-unti na niyang ipinagsandok pa ng pagkain ang mga bata sa hapag-kainan.

Talaga namang nakakamangha na mayroon pa rin palang mga taong nagbibigay ng tamang respeto sa kanilang kapwa kahit pa hindi nila ito kadugo at hindi nila kababayan. Marami ang napa-sana all sa nakitang video.

Kung sana raw ay lahat ng mga amo sa ibang bansa ay ganito ang magiging trato sa mga Pilipinong kasambahay, tiyak na mas magiging maayos ang buhay ng marami nating kababayan kahit pa nga sila ay nasa ibang bansa at malayo sa kanilang pamilya.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media