Connect with us

Viral

Dating sumisisid lamang ng barya sa pier, isa nang ganap na guro at may master’s degree pa!

Published

on

Bawat isa sa atin ay mayroong pangarap na nais matupad. Maaaring ito ay pangarap na natin noong tayo ay mga bata pa lamang o di kaya naman ay mga pangarap ng mahal natin sa buhay noon at ngayon ay binibigya natin ng katuparan.

Ngunit hindi naman palaging madali ang mga pinagdaraanan natin sa buhay upang makamit natin ang mga pangarap nating ito. Madalas ay kailangan nating pagdaanan ang mga mahihirap na pagsubok upang talagang malasap natin ang sarap ng bawat tagumpay.

Tulad na lamang halimbawa ng naging tagumpay ni Teacher Arlene Alex na minsan na niyang ibinahagi sa social media. Ayon sa guro, noon ay sumisisid siya sa mga pier para lamang makakuha ng kaunting barya.

Dahil sa matindi niyang pagpapagal at determinasyon sa buhay ay hindi na nakapagtataka na nagawa niyang makapagtapos ng kolehiyo. Noon ay 22 taong gulang pa lamang siya at talagang batang-bata pa kung tutuusin ngunit nagawa na niyang maisakatuparan ang isa sa kaniyang mga pangarap.


Sa kaniyang viral TikTok video ay ipinasilip niya sa publiko kung paano siya kumapit sa kaniyang pananalig sa Diyos upang sa wakas ay makamit niya ang dati ay ipinagdarasal niya lamang. Sa ngayon ay nagtuturo siya ng “Indigenous Peoples Education” sa kanilang lugar.

Marami din siyang natulungan na mga kabataan ngayon dahil sa nagkakaroon sila ng matibay na pundasyon lalo na pagdating sa edukasyon na isa sa pinakamahalagang bagay sa paglinang ng katalinuhan ng isang tao para rin sa kaniyang magandang kinabukasan. Patunay lamang ito na kahit gaano kahirap ang kakumplikado ang mga bagay sa ating paligid, darating at darating din ang panahon na masusuklian ang bawat paghihirap at ang bawat sakripisyo natin.

Hindi lamang para sa ating pangarap, sa ating pamilya, kundi para na rin sa mga taong pinapahalagahan natin at nais nating tulungan. Walang imposible, sa taong mayroong gawa at pananampalataya!


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media