Connect with us

Viral

Pump attendant sa isang gasolinahan, nakapagtapos ng BS Criminology dahil sa kaniyang sipag at tiyaga!

Published

on

Hindi madali ang mag-aral lalo na kung batid mo sa iyong sarili na walang kakayahan ang iyong pamilya upang matustusan ang iyong pag-aaral. Dahil sa laganap na talaga ang kahirapan at kawalan ng trabaho sa bansa ay wala nang iba pang magawa ang maraming mga kabataang nais na makapagtapos ng pag-aaral kundi ipagpaliban na mauna ang kanilang pangarap.

Isa na marahil sa mga batang ito si Eric Rosales na 28 taong gulang na. Mahirap lamang sila at tanging pagsasaka lamang ang pinagkakakitaan ng kaniyang ama.

Samantalang, ulirang may bahay naman ang kaniyang ina. Hindi sa kanila ang lupang sinasaka ng kaniyang ama kung kaya naman konti lang din ang kinikita nito.

Taong 2010 nang makapagtapos siya ang hayskul at napagdesisyunan niyang mamasukan bilang isang all-around assistant sa isang supermarket sa Bukidnon. Tumagal ang trabaho niyang ito hanggang 2015.


Taong 2016 naman nang magsimula siyang magtrabaho bilang isang “pump attendant” sa isang kilalang gasolinahan sa bayan ng Villanueva. Nang sumunod na taon ay napagdesisyunan na niyang pumasok sa kolehiyo kung saan kumuha siya ng BS Criminology dahil pangarap niya talagang maging pulis.

Hindi naging madali ang kaniyang mga pinagdaanan dahil kailangan niyang pagsabayin ang kaniyang trabaho at pag-aaral. Siya kasi ang nagbabayad para sa kaniyang matrikula at sumusuporta din siya para sa kaniyang pamilya. ang madalas niyang pasok sa klase noon ay mula ika-7 ng umaga hanggang ika-11:30 ng umaga.

Alas-dos naman ng hapon ang kaniyang trabaho sa gasolinahan hanggang alas-diyes na ng gabi. Minsan naman ay kailangaan niyang mag-night shift mulaa 10:00 ng gabi hanggang 6:00 ng umaga at matapos nito ay deretso na siya sa klase.

Sa ngayon ay nakapagtapos na siya ng pag-aaral. Laking pasasalamat din niya sa kaniyang mga katrabaho at sa kaniyang manager na tumutulong sa kaniya.

Kahit na nakapagtapos na ng pag-aaral ay hindi pa rin siya umaalis sa kaniyang trabaho dahil sa patuloy pa rin siyang nag-iipon para sa kaniyang “licensure examination”.


Continue Reading

Copyright © 2022 The Life Feed.