Connect with us

Viral

Lalaking nagparetoke ng halos 9 na beses, hindi na makilala dahil sa napakalaking pagbabago ng kaniyang naging hitsura!

Published

on

Marami sa atin ang nangangarap na maging seksi, makisig, gwapo, at maganda. Ang mga tao kasi na nagtataglay ng ganitong mga katangian ay minamahal at hinangaan ng marami.

Hindi rin sila madalas na nakakatanggap ng panglalait at panghuhusga mula sa kanilang kapwa dahil nga mayroon silang mga kaaya-ayang katangian. Taliwas naman ito sa naging karanasan ng 26 na taong gulang na lalaking ito mula sa Vietnam.

Halos siyam na beses na kasi siyang nagparetoke para lamang makamit niya ang pinapangarap niyang hitsura. Ngunit sa dami ng mga pagbabago na kaniyang pinagdaan sa mga operasyon na ito ay halos hindi na siya talaga makilala.

Ayon sa kaniyang naging kwento, nagsimula ang mapait niyang karanasan noon nang minsang naghanap siya ng trabaho at walang tumanggap sa kaniya dahil lamang sa panlabas niyang kaanyuan. Umuwi siya ng luhaan ng araw na iyon dahil sa naranasan niyang diskriminasyon. Dito na nagsimula ang kaniyang pagnanais na ipaayos ang kaniyang mukha.


Marami na din daw siyang napagawa sa kaniyang mukha tulad na lamang ng kaniyang baba, labi, at talukap na halos nasa $17,256 o Php840,000 na! Tulad ng maraming mga magulang ay hindi sila sang-ayon sa gustong ito ng kanilang anak.

Ngunit nangako naman ito na mabubuhay siya ng maayos at walang tinatapakan na ibang tao sa oras na makamit niya ang hitsurang pinakaaasam-asam niya. Tunay nga na talamak na talaga ang mga panghuhusga ng tao sa kanilang kapwa dahil lamang sa kanilang panglabas na hitsura.

Kung kaya naman hindi rin natin masisisi ang iilan na magnais silang baguhin ang sarili nilang hitsura at ang kanilang mga nakasanayan na noon pa man. Sana lang ay mas naging maligaya na sila ngayon lalo na at kung nakamit na nila ang matagal na nilang pinapangarap na mukha.

Tulad na lamang ng lalaking ito na talaga namang ubod na ng gwapo sa ngayon.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media