Connect with us

Viral

Anak ni Pacman na si Mary Pacquiao, hinamon ang kanilang mga kasambahay sa pagkain ng Korean spicy noodles!

Published

on

Hindi na lingid sa kaalaman ng maraming mga Pilipino ngayon na talagang laganap na ang impluwensiya ng mga dayuhan sa ating bayan. Isang magandang halimbawa na rito ang labis na paghanga natin sa mga Korean superstars o Korean idols na kung saan ay napapanood natin sa mga paborito nating K-Dramas.

Photo credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Maliban sa mga palabas na ito ay marami na rin sa ating mga Pilipino ang talagang nahihilig sa pagkain ng mga Korean dishes. Isa na marahil sa mga ito ang Korean spicy noodles.

Photo credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Likas nang mahilig sa maaanghang ang mga Pilipino ngunit kakaiba ang noodles na ito sa mga nakasanayan nating pagkain dito sa Pilipinas. Kamakailan nga lamang ay itinampok din ng anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Mary Pacquiao ang paghamon na kaniyang ginawa sa kanilang mga kasambahay.

Photo credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Hinamon lang naman kasi niya ang mga ito na kumain ng Korean Spicy Noodles. Kumasa naman ang anim nilang mga kasambahay.
Maliban sa kanilang mga kasambahay ay hindi rin naman pinalagpas ng magkakapatid na Pacquiao ang challenge na ito. Naroon din sina Jimuel at Queenie upang subukan ang challenge na ito kasama si Mary.

Nang magsisimula na ang naturang challenge para sa kanilang mga kasambahay ay makikitang handang-handa na ang mga ito. Mayroon pa ngang mga bote ng tubig na nakahanda at mga baso ng gatas kung sakaling hindi talaga nila matiis ang sobrang anghang ng pagkaing ito.

Photo credit: Mary Pacquiao Youtube Channel

Maraming mga netizens naman ang humanga sa pamilya Pacquiao dahil sa itinuturing talaga nilang kapamilya ang kanilang mga kasambahay. Kitang-kita din naman sa mga mata ng kanilang mga kasambahay ang tuwa na kanilang nararamdaman sa simple ngunit makabuluhang challenge na ito ni Mary.

Patunay lamang na hindi lahat ng mayayaman ay matapobre at walang respeto sa kanilang kapwa. Tunay nga na naging napakaganda ng pagpapalaki nina Jinkee at Manny Pacquaio sa kanilang mga anak.


Continue Reading

Copyright © 2021 The Life Feed. Powered by Teky Media