Connect with us

Viral

“Wild Asian elephants” nakuhanan ng larawan na namamahinga matapos ang napakahabang paglalakbay palayo sa nasira nilang tahanan!

Published

on

Napakarami nang nagaganap sa ating kapaligiran ngayon. Mahirap at talaga namang masaklap hindi lamang para sa mga tao kundi maging sa ilang mga hayop ang nangyayaring ito.

Sa paglipas ng panahon ay mas dumarami pa ang mga tao at mga hayop na naaapektuhan ng pagkasira ng ating kapaligiran. Kamakailan lamang ay namangha ang maraming mga netizens nang makita nila ang larawan ng kawan ng mga elepanteng ito na animo’y pagod na pagod.

Tila ba napakahimbing ng kanilang tulog sa kalagitnaan ng isang kagubatan. Lingid sa kaalaman ng marami ay nasa mahirap silang kalagayan sa ngayon.

Halos isang taon na rin kasing naglalakbay ang 15 mga elepante na ito. Namataan sila sa isang kagubatan sa siyudad ng Kunming sa Southwest China.

Nasa 500 kilometro na rin ang kanilang tinahak kung kaya naman talagang pagod na pagod na sila. Dahil sa pangamba ng mga otoridad na makarating sa nayon ang mga elepanteng ito ay nagpadala na sila ng higit sa 400 na mga emergency response personnel.

Ayon din kay Chen Fei na direktor ng State Forestry and Grassland Administration’s Asian Elephant Research Center, talagang nakasubaybay sila kung sakaling magpatuloy ng paglalakbay ang mga elepanteng ito at kung kinakailangan na lumikas ang maraming tao ay gagawin nila para lamang sa kapakanan ng magkabilang-panig. Ayon din sa ilan pang mga naunang ulat, ang kawan ng mga elepanteng ito ay napabalitang naglalakbay higit isang taon na rin ang nakararaan sa Xishuangbanna na malapit sa border o pagitan ng Tsina at Myanmar.

Nawalan na ng mga tahanan ang mga elepanteng ito dahil sa ang mga gubat ay pinapalitan na ng mga banana, tea at rubber plantations. Kahit pa inabot na ang mahigit isang taon ang paglalakabay ng kawan na ito ay hindi naman sila pinapabayaan ng mga otoridad gayundin naman ang pagbibigay halaga nila sa kaligtasan ng publiko.


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media