Connect with us

Viral

Mainit na usapin sa “fried chicken towel” ng isang sikat na fast-food chain, may wais na komento ang isang bata na talagang nagpamangha sa marami!

Published

on

Marami ang talagang nadismaya ng kumalat ang mga larawan ng isang “fried chicken meal” ng isang sikat na fast-food chain na hindi pala talaga manok kundi isang “towel”! Sa halip kasing isang manok ang maibigay sa ginang na umorder sa BGC branch ng fast-food chain na ito ay twalya mismo ang naibigay sa kaniya.

Noong una ay maraming nandiri at nadismaya dahil sa naging pamamayagpag ng fast-food chain na ito nang halos ilang dekada na. Ngunit tila maraming nakalimot sa mga masasayang alaala natin sa pamosong kainan na ito na naging saksi sa lahat ng mga pinagdaanan natin sa buhay.

Kung marami ang bumabatikos at nagsasabi ng mga masasakit at negatibong salita sa fast-food chain na ito, mayroon din namang iilan na handang umunawa, magpasensiya, at tuluyang magpatawad. Hindi rin naman daw talaga maiiwasan ang ganitong mga insidente kung kaya naman maging aral na lamang ito hindi lamang sa kanila kundi sa lahat ng mga may negosyo ng pagkain sa bansa.

Sa kabila ng mga sari-saring komento na ito ay mayroong isang post mula sa isang ina na nakilala sa kaniyang social media account bilang “Min Jin” ang nagbahagi ng nakakaantig na pahayag ng kaniyang anak patungkol sa usaping ito. Ipinakita daw niya ang kontrobersiyal na usaping ito sa kaniyang anak.

Tinanong niya ito kung anong gagawin ng kaniyang batang anak kung sakaling sa kaniya ito mangyari. Ang sabi ng bata ay papapalitan na lamang niya ito ng “totoong fried chicken”.

Nagtanong muli ang kaniyang ina kung bakit hindi siya magagalit at sinabi ng bata na wala siyang pakialam sa pagkakamali dahil hindi naman ito nangyayari palagi at higit pa rito ay masarap pa din naman talaga ang kanilang “chicken joy”! Nagtanong ulit ang kaniyang ina kung ano ang masasabi ng bata sa isyu at sinabi ng bata na “Well, you will not eat the towel anyway. Just ask them to return the money and buy a new chicken.”

Napakasimple lamang at makatotohanan ang mga pahayag na ito ng matalinong bata. Kung magiging malawak lamang sana ang ating mga pang-unawa tulad ng batang ito ay tiyak na mas magiging payapa ang mundo, hindi ba?

Source: Facebook


Continue Reading

Copyright © 2019 The Life Feed. Powered by Teky Media